Miss Universe 2017 Demi-Leigh Nel-Peters, engaged na sa sikat na football player na siTim Tebow!

Miss Universe 2017 Demi-Leigh Nel-Peters, engaged na sa sikat na football player na siTim Tebow!

- Mukhang hinintay lang ng kilalang football player na si Tim Tebow na mapasa na ni Miss Universe 2017 Demi-Leigh Nel Peters ang korona para magpropose

- Laman ng balita ngayon ang naturang engagement ng celebrity couple at nagbahagi naman ng ilang larawan ang former Miss Universe sa kanyang social media page

- Bumuhos naman ang samu't saring reaksyon at komento mula sa mga netizens para sa naturang wedding proposal sa ex ni Miss Universe 2012 Olivia Culpo

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Halos isang buwan pagkatapos makoronohan ang ating pambatong si Catriona Gray sa Miss Universe 2018 ay ang pagpropose ng kilalang football player na si Tim Tebow kay Demi-Leigh Nel Peters, ayon sa balita na naispatan ng KAMI.

Tila hinintay ng dating football quarterback at ngayon ay isa na raw professional baseball outfielder sa New York Mets organization na si Tim Tebow na maipasa ng South African beauty queen ang Miss Universe crown para makapagpropose na ito.

Masaya namang ibinahagi ni Demi-Leigh ang mga kuhang larawan sa naturang proposal ng boyfriend na si Tim Tebow, na una naming nakita sa ABS-CBN News.

Ani pa sa caption ni Miss Universe 2017:

“Any dreams I’ve ever had, you’ve exceeded them all! I love you and I can’t wait to spend forever with you!”

Sabi naman ni Tim Tebow sa kanyang IG caption:

“Thank you for saying yes and making me the happiest man in the world.You’re the love of my life, and I can’t wait to spend the rest of my life with you.”

Ang naturang proposal raw ay nangyari sa farm ng pamilya ni Tim Tebow sa labas ng Jacksonville, Florida, na dinaluhan ng pamilya ng soon-to-be Mr. and Mrs. Tebow at mga kaibigan.

At ang engagement ring raw ay isang 7.25-carat solitaire.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

On another note, as we are still celebrating the holiday season together with our family and loved ones, our team has explored the streets, once again, to ask our fellow Pinoys on some fun, Christmas tricky questions.

Clearly, they had hilarious laughs on their faces, making this joyful season happier and more meaningful.

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Manny Pacquiao and family pose with Golden State Warriors star players

Manny Pacquiao and family pose with Golden State Warriors star players

Manny Pacquiao and family pose with NBA superstars
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel