PBB Otso, nanatiling naghahari sa ere! Nagpapatuloy raw ang 'double-digit ratings' ng show

PBB Otso, nanatiling naghahari sa ere! Nagpapatuloy raw ang 'double-digit ratings' ng show

- Humaharurot at nagpapatuloy daw ang paghahari sa ratings ng pinakamalaki at kauna-unahang reality TV show sa bansa ang Pinoy Big Brother

- Mahigit isang dekada na namamayagpag ang sikat na Bahay ni Kuya, hindi lang sa telebisyon kung hindi pati na rin sa online world

- At ayon pa kay Lauren Dyogi, nagpapatuloy umano ang 'double-digit ratings' ng show kumpara sa mga karibal na mga TV shows

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Masaya raw ang ABS-CBN executive na si Lauren Dyogi sa performance ng Pinoy Big Brother: Otso, kung pag-uusapan umano ang ratings, ayon pa sa napag-alaman ng KAMI.

Ang dating business unit head ng PBB ay nanatiling nangunguna sa produksyon ng pinakamalaki at kauna-unahang reality show sa TV bilang Production Head, ani pa sa balita na nasagap namain sa PEP.

Pinahayag daw ni Dyogi at ang kasalukuyang PBB business unit head na si Raymond Dizon na, ito raw ang kauna-unahang edisyon ng PBB na nagawang panatilihin ang 'double-digit rating' sa lahat umano ng edisyon na umere sa Christmas season.

Pareho raw ang obserbasyon sa Camp Star Hunt, ang dagdag programa ng PBB:Otso, na makikita umano sa ABS-CBN's online streaming sa iWant.

Ani pa ni Lauren Dyogi:

"Yung usapan namin nila Raymond, normally, ang PBB during the Christmas season, abala lahat ng tao, maraming ginagawa, mababa rating ng PBB of any season. But this batch was able to sustain a double-digit rating of both afternoon and evening, so that's a very very good sign."

Nakalikom umano ng 16.1% TV rating ang PBB noong December 24, 12.0% naman noong December 25, 17.9% naman raw noong December 31, at 13.9% noong bagong taon, January 1, ayon raw sa Kantar Media.

Habang ang shows sa kabila umano ay nakakuha lang ng single-rating.

6.8% daw ang Kantra rating ng nakuha ng Thai drama Waves of Life ng GMA-7 noong December 24, at 4.5% naman noong December 25.

Noong December 31, ang karibal ng show umano ng PBB na Saksi Liga ng Katotohanan ay nakakura raw ng Kantra rating na 8.7% at noong bagong taon, ang Waves of Life naman ay nakalikom lang umano ng 5.5%.

Ang unang batch ng teen housemates ng PBB: Otso ay umalis na sa Bahay ni Kuya noong Linggo, January 6, at ang Big Four ay kinabilangan ng puro babae na housemate na sina Jelay Pilones, Kaori Oinuma, Karina Bautista, at Lie Reposposa.

Kamakailan naman, humatak ng katatawanan ang adult housemate ni Kuya sa PBB: Otso na si Yamyam Gucong mula sa mga netizens at TV viewers lalong lalo na sa mga OFWs.

POPULAR: Read more news about PBB Otso here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

On another note, as we are still celebrating the holiday season together with our family and loved ones, our team has explored the streets, once again, to ask our fellow Pinoys on some fun, Christmas tricky questions.

Clearly, they had hilarious laughs on their faces, making this joyful season happier and more meaningful.

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Manny Pacquiao and family pose with Golden State Warriors star players

Manny Pacquiao and family pose with NBA superstars

Manny Pacquiao and family pose with NBA superstars
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel