Ang galing! Aso na tourist guide, hinangaan ng mga netizens

Ang galing! Aso na tourist guide, hinangaan ng mga netizens

- Viral ngayon ang post ng isang netizen na kinuwento kung paano naging tourist guide ang isang aso

- Alam na alam ng aso ang patutunguhan at nagawa pa nito mambugaw ng ilang hayop upang maayos na makarating ang mga turista sa "Secret falls"

- Maging ang mga netizens ay namangha sa ginawa na ito ng aso na napaka-friendly daw sa iba't ibang nakakasalamuhang tao

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Agaw eksena ngayon ang babaeng aso na isang tourist guide sa tinatawag na "Secret falls" sa Doña Remedios Trinidad, Bulacan.

Ayon sa post ng netizen na si Jorenz Manuel Fotografia na binahagi rin ng Philippine star, pababa raw ang naturang falls kaya pagbaba mo ng sasakyan mula sa parking, lalapit na ang aso upang ituro ang daan.

Lalakad ang aso sa daan patungo sa falls na iyong dapat sabayan. Nagagawa pa raw na bugawin ng aso ang mga baka na nakaharang sa daan upang masiguro na maayos ang daraanan ng kasama niyang turista.

Ang nakakatuwa pa raw sa aso, pagkahatid muli nito sa turista, anmo'y nagpapaalam pa ito. Gawain daw talaga ito ng ilang aso sa lugar.

Samantala, labis din ang pagkagiliw ng ilang netizens sa aso lalo na ang mga dog lovers na nakakita ng post. Naibahagi rin ang post ni Jorenz ng ilang dog lovers'pages sa social media.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Narito ang ilan sa mga komento ng mga netizens:

"An angel"
"Naranasan ko na din to. Sa Villa Martha Resort Laguna. Bali yung aso nila si Buknoy, babantayan niya yung guest habang nagswiswimming. Nag try din ako umakyat sa parang gubat (taas ng Villa Martha) sumunod parin siya. May case pa nga siya na mauuna siya tas tititig sayo na parang gusto niyang sundan mo siya! Sumabay din siya nung tumawid kami ng ilog. Hahaha man's best friend."
"Mahusay, buti pa itong aso may silbi sa buha.yung ibag tao wala"
"Nakakatuwa naman talaga, sana makapunta ako dyan at ma-meet yung dog"
"Ang galing! kahit di ako mahilig sa dogs natuwa ako!"

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Can't get over with the latest Chambe dance challenge? KAMI tried it with a low-budget version but still with a bang!

Chambe Hit Song - Our Low-Budget Version | HumanMeter on KAMI YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
11 taong gulang na bata, ginagamit di umano ng ina sa pagtutulak ng droga

11 taong gulang na bata, ginagamit di umano ng ina sa pagbebenta ng droga

11 taong gulang na bata, ginagamit di umano ng ina sa pagbebenta ng droga
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel