Dating drop-out sa eskwela, naging milyonarya dahil sa pangangalakal ng basura
- Nakaka-inspire ang kwento ng buhay ni Trining Climaco na dahil sa pangangalakal ng basura ay naging milyonarya
- Grade school drop-out si Trining kaya maisipan niyang mangalakal na lamang
- Di rin niya akalain na magigi siyang milyonarya dahil sa basura
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Di naging madali ang buhay ni Trining Climaco bago niya makamit ang tinatamasa niyang kaginhawahan ngayon.
Ayon sa panayam sa kanya ng My Puhunan ng ABS-CBN, dating drop-out sa elementarya si Trining.
Edad 11 nang dalhin siya ng kanyang lola mula Aklan papuntang San Juan Metro Manila. Araw-araw, sa loob ng 12 taon, wala nang ibang ginawa si Trining kundiang maglinis at mag-ayos ng mga basura sa junk shop doon.
"Yun bote may uuod, sabi ng tiyuhin ko, di ganyan ang pag-hawak. Sabi niya, yun kinakain natin, nanggagaling sa basura, kaya nawawala rin ang pandidiri ko," kwento niya.
Nakapangasawa rin ng nangangalakal si Trining. Si Cesario na noon ay nagtutulak ng kariton sa pangongolekta ng maaring maibenta sa junk shop. Nang sila ay magkaroon ng walong anak, naisipan nilang magtayo ng sarili nilang junk shop.
PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!
Di nila akalain na kikita sila ng libo-libong salapi sa pagbabasura. Sa ngayon, mayroon na silang tatlong truck na gamit sa negosyo at anim na trabahador.
Nakamamangha na sa pangangalakal, nakapagpatayo sila ng kanilang dream house na may 9 na kwarto. Ito ay nagkakahalaga ng 2 milyong piso na katas ng kanialng pagsusumikap sa buhay.
Napagtapos din nila ang halos lahat ng kanilang mga anak at ang bunso ay nag-aaral pa ng law.
Ang kwento ni Trining ay patunay na may pera sa basuro, may "milyon" sa basura.
Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Can't get over with the latest Chambe dance challenge? KAMI tried it with a low-budget version but still with a bang!
Chambe Hit Song - Our Low-Budget Version | HumanMeter on KAMI YouTube channel
Source: KAMI.com.gh