Misis, nanggalaiti! Kabit, matapang na sinagot-sagot si legal wife

Misis, nanggalaiti! Kabit, matapang na sinagot-sagot si legal wife

-Inakusahan ng isang ginang ang kanyang asawa na nagkaroon ng nakahahawang sakit dahil umano sa kabit nito

-Ngunit depensa ng kabit, hindi ito totoo at willing pa itong magpa-medical

-Sa huli, nagdesisyon na si legal wife na ipakulong ang dalawa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa programang Raffy Tulfo in Action dumulog ang ginang na si Maribel Torres para ireklamo ang kabit ng kanyang mister na si Jennifer Aldana.

Ayon sa kwento ni Torres ginugulo daw kasi siya ni Aldana kahit pa nga matagal na niyang hinayaan ang relasyon ng dalawa.

Dagdag pa nito, pinipigilan din umano ni Aldana na magpadala ng sustento ang asawa ni Torres para sa kanilang apat na anak.

Reklamo pa nito, nagkaroon ng nakahahawang sakit ang mister niya dahil daw kay Aldana!

Wala rin umano itong trabaho ngayon dahil palagi daw itong ginugulo ni Aldana sa trabaho.

Lahat ng ito, itinanggi naman ni "number two". Bagamat inamin nitong may relasyon nga sila ni Mr. Torres.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Willing din umano siyang magpa-medical para patunayang wala siyang nakahahawang sakit at idedemanda niya si Mrs. Torres dahil sa paninira nito.

Hindi rin umano totoo na hindi nagsusustento si mister sa anak nito bagkus ay sinabi pa nitong pinipigilan lang daw ni legal wife ang padala ni mister at maging ng biyenan nito.

Reklamo pa ni Aldana, idinadamay pa ni Mrs. Torres ang kanyang pamilya at pinagsasabihan ng masasama sa social media.

Pinayuhan naman ni Tulfo ang ginang na huwag nang idamay pa ang pamilya ni Aldana upang hindi ito magamit laban sa kanya.

Sa huli nagdesisyon na si legal wife na ipakulong ang dalawa. Lalo pa at may ebidensya daw siya na may anak na ang dalawa.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Guess what, it's our special edition of the tricky questions challenge, in which you will find lots of Christmas songs and joyous laughter! Merry Christmas everyone from the whole HumanMeter team – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Maymay Entrata, pinag-aaral ang mga pinsan at kapatid! Netizens, napuno ng papuri

Maymay Entrata, inulan ng papuri ng mga netizens dahil sa pagpapa-aral sa mga pinsan at kapatid

Maymay Entrata, inulan ng papuri ng mga netizens dahil sa pagpapa-aral sa mga pinsan at kapatid
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel