Kuya Wil na-curious sa buhay ng mag-inang nakatira sa sementeryo

Kuya Wil na-curious sa buhay ng mag-inang nakatira sa sementeryo

-Sa programang Wowowin ng sikat na host na si Willie Revillame, nakilala ang mag-inang nakatira sa sementeryo

-Ayon sa kwento ng mag-ina, dayuhan ang ama ng dalaga na inakala nitong patay na ngunit base sa kwento ng ina kay kuya Wil, 'di siya sigurado kung buhay pa ito o patay na

-At dahil tila likas lang sa ina ang pagiging kengkoy, aliw na aliw naman si Kuya Wil maging nag mga audience ng programa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Likas na maganda at matangkad ang isa sa mga naging contestant ng programang Wowowin ng sikat na host na si Willie Revillame, na si Lou.

Kasama nito ang inang si Ethel. At base sa panayam ni Kuya Wil sa kanila, nakatira ang mga ito sa isang sementeryo sa Pasay.

Ang ama naman ni Lou ay inakala nitong patay na ngunit nang tanungin ni Kuya Wil si nanay Ethel ay hindi pala ito sigurado kung buhay pa ang dayuhang ama ng anak.

Tila naantig naman ang host nang mapag-alamang sa sementeryo nakatira ang mag-ina kung kaya inalam pa nito ang buhay ng mga ito.

Pasko, Bagong Taon o kahit kaarawan ay tila ipinagkait na sa mga ito.

Kaya naman inabutan ng tulong ni Revillame ang mag-ina upang makapagsimula muli. Binigyan rin niya si Ethel ng bagong mobile phone.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

At dahil tila likas na kengkoy si Ethel, aliw na aliw naman si Willie sa kanya maging ang mga audience ng programa.

Hiningan rin niya ng mensahe ang mag-ina para sa isa't-isa.

Ani ni Lou, laking-pasalamat niya sa ina na nagtaguyod sa kanya kahit na may mga pagkakataong hirap na ito.

Habang si Ethel naman ay humingi ng tawad sa anak dahil daw sa kanyang pagkukulang, bagamat nangako itong gagawin ang lahat para sa nag-iisang anak.

Nabigyan din ng pagkakataon si Ethel na manawagan sa German-half French na ama ni Lou upang ipabatid na hinahanap siya ng kanyang anak.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Guess what, it's our special edition of the tricky questions challenge, in which you will find lots of Christmas songs and joyous laughter! Merry Christmas everyone from the whole HumanMeter team – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Rhian Ramos pranks food delivery boy by flirting with him

Rhian Ramos pranks delivery boy by aggressively flirting with him

Rhian Ramos pranks delivery boy by aggressively flirting with him
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel