OFW, inabandona 5 anak at mister na tricycle driver para sa engineer sa Jeddah

OFW, inabandona 5 anak at mister na tricycle driver para sa engineer sa Jeddah

- Isang tricycle driver na may limang anak ang dumulog sa Raffy Tulfo in Action

- Kanyang inirereklamo ang misis niya na OFW at ang lalaki nito

- Naantig ang puso ng maraming netizens sa sinapit ng mag-aama

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Maraming netizens ang napaluha sa kuwento ni Charlie Lozada at ng kanyang limang anak.

Dumulog siya sa Raffy Tulfo in Action para ireklamo ang kanyang OFW na misis na umabandona sa kanila at ang lalaki na umano'y pinalit sa kanya.

Nalaman ng KAMI na ayon sa kuwento ni Charlie, pangatlong lalaki na raw ito ng misis niya. Ang nabalitaan daw niya, isa itong engineer sa Jeddah.

Ilang beses daw nangako si misis na iiwan na ang lalaki niya pero hindi naman niya ito ginagawa.

Gumawa pa raw ng group chat ang misis niya at ang lalaki nito kasama ang ilan sa mga anak niya para siraan siya.

May mga pagkakataong hindi halos sila kumakain pag mahina ang pasada niya bilang isang tricycle driver. Kaya naman hindi makapaniwala si Raffy na may inang kayang tiisin ang kanyang mga anak.

Nangako si Raffy kay Charlie na pag hindi nakipag-ugnayan ang misis niya ay gagawin niya ang lahat para mapa-deport silang dalawa.

OFW, inabandona 5 anak at mister na tricycle driver para sa engineer sa Jeddah

Source: Facebook
Source: Facebook

Halong galit at awa ang naramdaman ng mga netizens sa kuwento nilang mag-aama.

"Isa na nmang episode na nagpatulo ng mga luha ko. Kpag mga anak na talaga ang usapan, parang sasabog ang dibdib ko"
"Maawa ka ate sa mga anak mo. Nakakahiya ka naman. Dikana naawa"
"ayy grabe nmang nanay yan..kwawa ang mga bata, literal na higad!!"
"Kwawa nman mga bata ang liliit pa nla grabe nman na nnay yn, pumunta lng ng abroad pra mghanap ng lalake d mn lng nkonsensya"
"Dko kinaya ung iyak ni tatay.."

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

This video features tricky yet quirky questions for Christmas, in which you will find a lot of Christmas singing and joyous laughing! This Christmas edition of Tricky Question is hilarious and it will definitely put a smile on your face! Check out our videos – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
11 taong gulang na bata, ginagamit di umano ng ina sa pagtutulak ng droga

11 taong gulang na bata, ginagamit di umano ng ina sa pagbebenta ng droga

11 taong gulang na bata, ginagamit di umano ng ina sa pagbebenta ng droga
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel