Inang nawalan ng paningin at anak na may down syndrome, nakatanggap ng regalo

Inang nawalan ng paningin at anak na may down syndrome, nakatanggap ng regalo

-Sa kabila ng kapansanan ni nanay na nakilalang si Elsa, hindi ito naging hadlang upang gampanan niya ang tungkulin bilang ina

-Bukod sa kapansanan, pasan rin nito ang kahirapan ng buhay at ang pag-aalaga sa anak na may down syndrome

-Kaya naman nang itampok ang buhay nilang mag-iina sa programang Mission Impossible, dumagsa ang mga taong nais na tumulong sa kanila

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa programang Mission Impossible una ring naitampok ang buhay ng isang ina na nawalan ng paningin na si nanay Elsa.

Taong 2011 nang mawalan ng paningin si nanay Elsa. May dalawa na siyang anak at ang isa ay may down syndrome, si Sarah. Habang ang anak nitong panganay na si jan-jan ang nag-iisang kumakayod para sa kanila.

Ngunit sa kabila ng kanyang mahirap na kalagayan, hindi pa rin ito naging hadlang para gampanan niya ang tungkulin ng isang ina.

Kwento ng kapatid nito, ginagawa pa rin ni nanay Elsa ang mga gawaing bahay sa kabila ng kawalan ng paningin. Naglalaba, nagluluto, naglilinis at inaalagaan pa ang anak na si Sarah.

Ito rin ang siyang naghahatid at sumusundo sa anak na kasalukuyang nag-aaral sa isang eskwelahan sa Caloocan na nag-aalok ng Special Education.

Kaya naman nang itampok ng nasabing programa ang buhay ng mga ito ay dumagsa daw ang nais na tumulong sa mag-iina.

At nang muling itampok ito sa programa, isang malaking pagbabago ang hatid na regalo para sa kanila.

Isang bagong bahay na magiging kanilang bagong tirahan, upang mas maging maayos ang kanilang pamumuhay.

Bukod sa bahay, kumpleto na rin ang kagamitan sa loob nito. At ito ay handog sa kanila ng mga taong nagtulong-tulong para maging posible ang lahat ng ito.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Laking-pasalamat naman ni nanay Elsa sa mga 'di inaasahang regalo mula sa kapwa niya.

Kitang-kita ang kasiyahn sa mukha ng mga ito. Ayon pa kay nanay Elsa, ang mga taong tumulong sa kanya ang siyang nagpabago sa kanilang buhay.

'Di rin niya nakalimutang magpasalamat sa Panginoon na siyang may gawa ng lahat.

Nakatutuwang makita ang kaligayahan sa mukha ni nanay Elsa na ilang taon ding nagdusa. Ngunit sa kabila nito, ang pagmamahal niya sa mga anak ay wala pa ring katumbas.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Guess what, it's our special edition of the tricky questions challenge, in which you will find lots of Christmas songs and joyous laughter! Merry Christmas everyone from the whole HumanMeter team – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Top 5 TV characters na naging instant peg ng maraming misis

Top 5 TV characters na naging instant peg ng maraming misis

Top 5 TV characters na naging instant peg ng maraming misis
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel