Pres. Duterte, may advice sa mga tambay kung sino dapat ang ‘holdapan’ at ‘patayin’

Pres. Duterte, may advice sa mga tambay kung sino dapat ang ‘holdapan’ at ‘patayin’

- May bagong atake si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga pari at Obispo

- Nagbigay din siya ng advice sa mga “tambay”

- Sinagot din ni Pangulong Duterte ang pari na binira siya sa homily nito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

May bagong birada si Pangulong Rodrigo Duterte sa Simbahang Katoliko. Nalaman ng KAMI na tila may advice rin si Pangulong Duterte sa mga “tambay”.

“Kaya pagdating ko, sabi ko, ‘Hoy, kayong mga tambay diyan, ‘pag dumaan ‘yang obispo ninyo, holdapan ‘yan, maraming pera ‘yan,” giit ni Pangulong Duterte.

“Patayin mo. Galit sa akin ‘yung sige yawyaw,” dagdga niya pa ayon sa ulat ng Rappler.

May bwelta rin si Pangulong Duterte sa pari na hiniling umano na mamatay na siya sa isang homily.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

“Tapos ngayon kung mamatay daw ako, nag-holy Mass ha, sacrament of Mass, nagdasal pa na mamatay ako. Sabi ko, ‘Patayin mo ‘yan lahat obispo diyan. Mga inutil ‘yan,” sabi ni Pangulong Duterte.

Samantala, sa balita naman ng Inquirer, sinabi ni Pangulong Duterte sa speech niya sa Masbate na wala siyang laban o hinanakit sa Simbahang Katoliko, maging sa mga pari. Subalit patuloy ang kritisismo nito dahil sa pang-aakusa sa sakanya ukol sa extrajudicial killings.

Nagsalita naman ang Palasyo ukol sa sinabi ni Pangulong Duterte na dapat patayin umano ang mga obispo. Giit ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo ay “hyperbole” lang daw ito para sa dramatic effect.

POPULAR: Read more news about President Rodrigo Duterte!

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Merry Christmas and Happy New Year, everyone! Are you ready for the first 2019 edition of Tricky Questions? Let's get it started! – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
11 taong gulang na bata, ginagamit di umano ng ina sa pagtutulak ng droga

11 taong gulang na bata, ginagamit di umano ng ina sa pagtutulak ng droga

11 taong gulang na bata, ginagamit di umano ng ina sa pagbebenta ng droga
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel