Tinaguriang "nanay ng barangay", sinurpresa ng kanyang mga natulungan

Tinaguriang "nanay ng barangay", sinurpresa ng kanyang mga natulungan

- Kilala si nanay Adelfa "Delpa" Tapalla sa kanilang barangay dahil sa kanyang pagtulong ng walang kapalit

- Dahil dito, tinagurian siyang "nanay ng barangay" na walang sawa ang pag-abot ng tulong sa mga kapitbahay niyang nangangailangan

- Nagtipon-tipon ang lahat ng taong kanyang natulungan upang siya ay pasalamatan at siya naman ang sorpresahin at pasalamatan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Malapit sa kanyang mga kapitbahay at kabarangay si Adelfa Tapalla o mas kilala bilang "nanay Delpa" dahil sa pagtulong niya ng walang hinihinging kapalit sa sinuman ang nangangailangan.

Ayon sa dokumentaryong Mission Possible, labis na hinahangaan ang tinaguriang "nanay ng barangay" dahil sa mabilisan niyang pag-abot ng anumang pangangalangan ng kanyang mga kapitbahay sa Brgy. Tramo, Kawit, Cavite.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Bukod kasi sa pag-aalaga niya ng kanyang sariling pamilya, nagagawa pa niyang pagmalasakitan ang mga lumalapit sa kanyang buntis, may sakit na minsan siya pa mismo ang naglalabas ng pera matulungan lamang ang mga ito. Sa pangangalakal siya kumukuha ng pagkakakitaan ngunit di siya nagdadalawang isip na mag-abot ng kaunting halaga kung kailangan talaga ng lumalapit sa kanya.

At dahil sa walang sawa niyang pagtulong sa mga nangangailangan sa kanilang pamayanan, nagtipon tipon ang kanyang mga natulungan upang magbigay pugay sa "nanay ng barangay" nila at magpasalamat sa lahat ng nagawa nito.

Sinurpresa nila si nanay Delpa at hinandugan siya ng mga munting regalo ng mga taong naatig sa pagbibigay niya ng oras at panahon sa mga ito.

Higit 50 katao ang natulungan ni nany Delpa at para sa kanya, hangga't kaya niya at siya ay nabubuhay pa, di siya titigil sa pagtulong sa mga nangangailangan sa kanya.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Can't get over with the latest Chambe dance challenge? KAMI tried it with a low-budget version but still with a bang!

Chambe Hit Song - Our Low-Budget Version | HumanMeter on KAMI YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
200 Pinoys teaching English needed in Thailand, says DepEd

200 Pinoys teaching English needed in Thailand, says DepEd

200 Pinoys teaching English needed in Thailand, says DepEd
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel