Pinoy, nahiya sa dayuhang nakita niyang namumulot ng basura sa BGC

Pinoy, nahiya sa dayuhang nakita niyang namumulot ng basura sa BGC

-Sa isang viral post ng isang netizen sa social media, tila isang panggising sa bawat Pinoy

-Ayon sa netizen, nahiya talaga siya nang makita ang dayuhang babae na namumulot ng basura sa BGC

-Kaya naman sa pamamagitan ng kanyang post, nais niyang ibahagi sa bawat Pinoy ang mensahe na ipinabatid sa kanya ng dayuhan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Viral ang isang post mula sa netizen na si John Mendel Espina tungkol sa na-spot-an niyang dayuhang babae na namumulot ng basura sa BGC.

Sa post ni Espina, ikinuwento nito kung paanong tinablan siya sa nakitang ginagawa ng dayuhan na nakilala niyang si Emily.

Nadaanan umano niya ito habang siya'y naglalakad sa nasabing lugar. 'Di umano niya napigil ang sarili na balikan ito.

Pinoy, nahiya sa dayuhang nakita niyang namumulot ng basura sa BGC

Photo source: FB John Mendel Espina
Source: Facebook

Pinoy, nahiya sa dayuhang nakita niyang namumulot ng basura sa BGC

Photo source: FB John Mendel Espina
Source: Facebook

"Kahit na nakita ko siya, nilagpasan ko lang siya at tuloy tuloy maglakad... pero talagang hindi ko maatim na hindi tumingin palikod.

Parang gusto ko siya lapitan at kausapin at tulungan. Kaya binalikan ko siya. Sobrang nahihiya akong kausapin siya dahil wala akong maioffer na tulong.

Pero nilakasan ko ang loob ko at kinausap ko siya."

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Humingi umano siya ng tawad dahil sa makalat na lugar sa Pinas at nagpasalamat sa dayuhan na nagkusang linisin ang bayan kung saan siya ay bisita.

Anito: "Well someone has to do an initiative, right?"

Sa huli hiniling na lang daw ni Espina na makuhanan ito ng larawan upang mai-post sa social media nang sa ganun ay mas marami pang Pilipino ang makabatid sa kabutihang-loob nito.

Nais rin umano itong gamitin ni Espina upang maging mensahe para sa lahat ng Pinoy na ugali nang magkalat sa kalye.

Humingi rin siya ng tawad sa dayuhang si Emily sa pamamagitan din ng kanyang post dahil sa hindi umano niya pagtulong dito.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Guess what, it's our special edition of the tricky questions challenge, in which you will find lots of Christmas songs and joyous laughter! Merry Christmas everyone from the whole HumanMeter team – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Top 5 TV characters na naging instant peg ng maraming misis

Top 5 TV characters na naging instant peg ng maraming misis

Top 5 TV characters na naging instant peg ng maraming misis
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel