Kasambahay na galing sa agency, hina-hunting ng among Arabo dahil sa pagnanakaw

Kasambahay na galing sa agency, hina-hunting ng among Arabo dahil sa pagnanakaw

-Dumulog sa programang Raffy Tulfo in Action ang Arabong si Hamdin Hasan kaugnay ng kanyang kasambahay

-Ayon sa kwento nito, tatlong araw pa lamang ang kasambahay sa kanya ngunit nakapagnakaw na ito ng mga gamit na nagkakahalaga ng P150K

-Reklamo nito, walang sapat na dokumento ang maid kaya naman nais niyang maparusahan din ang agency na pinagkunan dito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa programang Raffy Tulfo in Action dumulog ang Arabong si Hamdin Hasan kaugnay ng pagnanakaw ng Pilipinang maid na tatlong araw pa lang daw naninilbihan sa kanya!

Kwento ni Hasan, pag-uwi niya sa kanyang bahay nadiskubre niya na nawawala na ang kanyang tatlong relo at isang mobile phone na nagkakahalaga ng P150,000.

Reklamo niya, peke rin ang mga dokumentong ipinasa sa kanya na galing pa man din sa isang agency.

Agad namang tinawagan ng programa ang Southmaids, ang agency na pinanggalingan ng suspek na kinilalang si Virginia Quintos.

Nakausap ng host ng programa na si Raffy Tulfo ang HR Manager na si LJ Gallarde.

Depensa nito, nagmamadali daw kasi si Hasan na makakuha ng kasamabahay kahit 'di pa kumpleto ang requirements nito.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Giit naman ng Arabo, NBI clearance lang ang pinayagan niya na 'di maipasa nito agad. Hindi umano niya alam na peke lahat ng ipinasa nitong IDs at mga dokumento.

Sagot naman ni Gallarde, na-verify nila ito sa number na ibinigay ng suspek na anak pala nito. Hindi naman ito nagustuhan ni Tulfo.

Kaya naman sa huli sinamahan ng team ng programa ang nagrereklamong si Hasan sa agancy. Ngunit hindi nagkasundo ang dalawang panig.

Dahil dito dinalana ni Hasan ang kanyang reklamo sa Department of Labor and Employment.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Guess what, it's our special edition of the tricky questions challenge, in which you will find lots of Christmas songs and joyous laughter! Merry Christmas everyone from the whole HumanMeter team – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Anak ni Joey de Leon na si Jako, ikinasal na

Anak ni Joey de Leon na si Jako, ikinasal na at nagbahagi ng isang touching na witty tweet

Anak ni Joey de Leon na si Jako, ikinasal na
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel