OFW mom, nagkunwaring waitress sa restaurant para isorpresa ang mga anak

OFW mom, nagkunwaring waitress sa restaurant para isorpresa ang mga anak

- Nagviral ang video ng isang nanay na OFW at ang kaniyang dalawang anak na lalake

- Mapapanood sa video na nagkunwaring waitress sa restaurant ang ina at nagserve sa table ng mga bata habang naka face mask

- Ilang sandali pa, tinanggal na niya ang face mask at niyakap ang mga anak

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ang pinakamahirap na nararanasan ng mga overseas Filipino workers (OFWs) ay ang pagkawalay sa kanilang mga mahal sa buhay, lalo na sa kanilang mga anak.

Nalaman ng KAMI na may isang video na nagviral na nagpapakita ng pagka-miss ng isang nanay na OFW sa kaniyang dalawang anak.

Sa video ng Trending News Portal, mapapanood ang nanay na OFW na umuwi sa Pinas. Sa restaurant, kung saan kakain ang kaniyang mga anak, ay nagkunwari siyang waitress doon na nagse-serve sa table ng mga bata habang naka face mask.

Ilang sandali pa, tinanggal niya ang kaniyang maskara, niyakap ang mga anak, at hinalikan sila. Ang nanay at ang dalawang bata ay humagulgol nang mangyari ito.

Narito ang nakakaiyak na video na inupload ng Trending News Portal:

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Naging emosyonal din ang mga netizens nang mapanood ang video ng magiina:

“Ganito din ang gagawin ko pagbalik ko ng pinas..ang problema lang sinong gagastos”

“Kaysarap ng may tinatawag kang nanay”

“Ung habang pinapanuod ko dko namamalyan tumulo na luha ko.ANAK KO”

“Naiyak ako. Miss ko tuloy anak ko”

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Merry Christmas and Happy New Year, everyone! Are you ready for the first 2019 edition of Tricky Questions? Let's get it started! – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Video ni Malia habang nalilito kung sino ba talaga si Pokwang at sino si yaya, nag-viral

Video ni Malia habang nalilito kung sino ba talaga si Pokwang at sino si yaya, nag-viral

Video ni Malia habang nalilito kung sino ba talaga si Pokwang at sino si yaya, nag-viral
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel