Lolo at hinahinalang GF nito na 22-anyos, patay sa tama ng bala sa ulo sa 1 inn

Lolo at hinahinalang GF nito na 22-anyos, patay sa tama ng bala sa ulo sa 1 inn

-Wala nang buhay ang isang 66-anyos na lalaki sa isang inn sa Cebu maging ang hinihinalang GF nito na 22-anyos na kasama nito

-May hawak pang baril ang lalaki habang nasa kama ang dalawa

-Patuloy pa rin ang imbestigasyon sa insidente bagamat walang senyales ng pwersahang pagpasok sa loob ng kwarto ng mga ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nasa kama at parehong may tama ng bala sa ulo ang 66-anyos na si Ely Malagum at ang babaeng kasama nito na kinilala namang si Danica Rose Erolya, 22-anyos.

Hinala ng mga pulis magkarelasyon ang dalawa. Nadiskubre ang katawan ng mga ito sa loob ng isang tourist inn sa Cebu City.

May hawak pang baril si Malagum nang madatnan ng mga staff ng inn.

"Sa tingin natin, may relasyon itong dalawa kasi nasa isang lugar sila. We are still waiting for the result of the crime laboratory.

So, pinaimbestiga natin sa SOCO ang paraffin at ballistics and nag-request din tayo ng firearm verification if sino 'yung may-ari ng armas," pahayag ni Police Senior Inspector Joemar Pomarejos, hepe, Waterfront Police Station.

Ayon sa ulat ng GMA News, pwersahan nang pinasok ng mga staff ng establisyimento ang kawartong inuupahan ng dalawa.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Noong Sabado nag-check in ang mga ito at nakatakda na sanang mag-check out noong Lunes. Ilang beses daw tinawagan ang mga ito ngunit walang sumasagot.

Wala naman umanong senyales ng pwersahang pagpasok sa kwarto o pagpatay sa mga biktima ayon sa mga awtoridad.

"Based on our ocular observation lang, wala tayong nakita but of course, may mga bagay talaga na 'di natin makikita sa mga mata natin because 'yun nga, technically wala pa tayong result sa crime laboratory sa mga items na na-recover ng SOCO," ani pa ni Pomarejos.

Isinasailalim pa sa autopsy ang katawan ng dalawa habang iniimbestigahan pa ang background ng mga ito.

Source: GMA News

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Guess what, it's our special edition of the tricky questions challenge, in which you will find lots of Christmas songs and joyous laughter! Merry Christmas everyone from the whole HumanMeter team – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Gretchen and Claudine divulged they're not invited to their niece Dani's wedding

Gretchen and Claudine divulged they're not invited to their niece Dani's wedding

Gretchen and Claudine reveal they're not invited to Dani Barretto's wedding
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel