Paliwanag ng viral Ateneo ‘bully’ student at ng ina nito, inalmahan ng netizens
- Nagbigay na ng pahayag ang ina ng viral Ateneo student na tinaguriang “bully”
- Nagsalita na rin maging ang kaniyang anak tungkol sa kontrobersiya
- Tila hindi naman nagustuhan ng mga netizens ang kanilang paliwanag
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Matapos ang ilang araw na pananahimik, humarap na sa publiko ang ina ng viral Ateneo student na nahuling nambully sa loob ng comfort room ng unibersidad.
Nalaman ng KAMI na humingi ng paumanhin at pag-unawa ang nanay ng viral na estudyante dahil sa ginawa ng kaniyang labing-apat na taong anak.
Humingi din ng dispensa ang ginang sa batang nasaktan ng kaniyang anak at sa paaralang nadamay sa kontrobersiya.
"I would like to apologize for the action of my son. Sa nasaktan niya, sa school na na-drag man ang school sa isyu na 'to," pahayag niya.
"I apologize pero gusto ko ring hingin yung understanding ng tao na bata itong anak ko eh," dagdag pa nito.
Hiningian na din ng pahayag ang viral na estudyante at sinabi nitong dinepensahan lamang niya ang kaniyang sarili.
Para daw sa kaniya ay hindi bullying na maituturing ang kaniyang ginawa dahil pinoprotektahan lamang niya ang kaniyang sarili laban sa kapwa Ateneo student.
“Hindi naman ako nam-bully for no reason. Para sa akin, hindi naman bullying 'yung ginawa ko because I was also defending myself naman eh, in a way. Kaso nga lang in the video, mukhang ako talaga 'yung mas aggressive,” saad ng bata.
“Hindi dapat ako nag-react ng ganu'n ka-violent. Nilalabas ko lang 'yung inis ko sa kanya kasi tapos na nga 'yung problema tapos hinamon mo pa ako nu'ng suntukan nu'ng last subject,” dagdag pa niya.
PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!
Matapos lumabas ang paliwanag ng mag-ina tungkol sa nangyari, tila mas lalo pa silang binatikos ng netizens dahil sa diumano’y pangungunsinti sa maling nagawa.
Narito ang ilan sa mga reaksyon ng netizens:
“Di na bata yang anak mo. Wala ka sa lugar na sabihing pag pasiyensyhan at bata. Dka namn sincere sa panghingi mo ng apology. Bagkos parang nagmataas kapa din.”
“Sinungaling ka. Papiliin mo pa ng bugbog o dignidad [tapos] sasabihin mo ikaw ang hinamon.”
“Paano dinepensahan ang sarili eh tumalikod at umiiyak na ang biktima niya pinagsasapak pa rin!!”
“Kung gusto talaga nila ng second chance sana naman hwag na sila mag fabricate ng kasinungalingan. Inconsistent ang mga sinasabi nila.”
Narito ang video ng interview:
Sa nakaraang ulat ng , nagbitaw ng maaanghang na salita si taekwondo Hall of Famer Monsour Del Rosario laban sa magulang ng viral Ateneo students.
Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
A random man (played by our actor Roi) is asking people to help him with transportation money and seems like no one believes him or cares about his trouble. But then we met Tatay Kariton who counts every peso and he did a really touching thing – on HumanMeter!
Source: KAMI.com.gh