Gift of travel! 7 Sikat celebrity families at ang kanilang holiday destinations

Gift of travel! 7 Sikat celebrity families at ang kanilang holiday destinations

Sabi pa nga nila, kay bilis ng panahon at parang kailan lang na ipinagdiwang natin ang Kapaskuhan at ngayon ay nasa bagong taon na tayo ng 2019.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Marami sa ating mga sikat na celebrities ang nagbahagi ng kani-kanilang mga selebrasyon sa Kapaskuhan.

At iilan sa kanila ay pinili ang magbiyahe sa ibang bansa o sa iba't ibang lugar sa Pilipinas at doon magdiwang ng holiday season.

Naispatan ng KAMI ang 7 sa mga sikat na mga celebrity families at ang kanilang holiday travel destinations.

1. Jc De Vera and family

Sa Siargao ang piniling lugar ni Jc De Vera para sa kanyang pamilya at dahil na rin, ayon pa sa Smart Parenting, mahilig talaga daw ang mga bata sa tubig, ang naturang isla ang pinaka magandang lugar para magdiwang ng holidays.

Enjoy na enjoy naman ang non-showbiz partner ni Jc na si Rikka Cruz at lalong lalo na ang kanilang 8-month-old na anak na babae na si Lana Athena.

2. Marjorie Barretto and children

Pinili naman ni Marjorie Barretto at ang kanyang mga equally beautiful na mga anak na babae at unico hijo na magdiwang ng Kapaskuhan sa Beverly Hills, California.

3. Jodi Sta. Maria and son, Thirdy

Ang single fabulous mom ni Thirdy na si Kapamilya actress Jodi Sta. Maria ay nagdiwang umano ng Kapaskuhan sa Finland.

Nakuha rin daw niya ang reindeer driving license sa naturang lugar noong bagong taon.

At lumangoy pa sa Baltic Sea na talaga namang grabe ang lamig dahil sa kapal ng yelo.

4. Isabelle Daza and family

Sa France naman nag holidays ang pamilya ni Isabelle Daza kasama siyempre ang kanayng gwapong mister na si Adrien Semblat at anak na si Balthazar Gabriel.

5. Iza Calzado and husband

Ang bagong kasal naman na sina Mr. and Mrs. Wintle, Ben Wintle at Iza Calzado, ay nasa paborito nilang lugar ang beach.

Sa Crimson Resort & Spa sila sa Boracay nagdiwang ng holidays.

6. Pacquiao Family

Sa Los Angeles, California naman angdiwang ng Kapaskuhan ang pamilya nina Jinkee at Manny Pacquiao.

At pinasilip pa tayo ni Jinkee Pacquiao sa kanilang bagong mansyon sa Amerika.

7. Scarlet Snow Belo with Vicki Belo and Hayden Kho

Africa naman ang destinasyon ng pamilyang Belo-Kho at siyempre bumida ang mga kuhang larawan sa Instagram page ni Scarlet Snow Belo.

Talaga namang super happy ang 3-year-old celebrity baby dahil sa iba't ibang hayop na nakita niya sa Safari adventure nila.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

On another note, as we are still celebrating the holiday season together with our family and loved ones, our team has explored the streets, once again, to ask our fellow Pinoys on some fun, Christmas tricky questions.

Clearly, they had hilarious laughs on their faces, making this joyful season happier and more meaningful.

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Manny Pacquiao and family pose with NBA superstars

Manny Pacquiao and family pose with NBA superstars

Manny Pacquiao and family pose with NBA superstars
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel