Tinaguriang "ice boy" ng China, di na kailangang maglakad ng 4.5 kilometro papasok ng paaralan

Tinaguriang "ice boy" ng China, di na kailangang maglakad ng 4.5 kilometro papasok ng paaralan

- Nakatira na malapit sa paaralan ang tinaguriang "ice boy" ng China na si Wang Fuman

- Nabalita siya noong nakaraang taon dahil sa paglalakad umano niya ng 4.5 kilometro papuntang paaralan, dahilan upang magyelo ang kanyang buhok sa lamig

- Malaki na ang pinagbago ng buhay ng pamilya nina Wang kaya naman nakalipat na sila sa lugar na 10 minuto lang mula sa paaralan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

9 na taong gulang na ngayon si Wang Fuman, ang tinaguriang "Ice boy" ng China at tila marami na ang pinagbago sa kanilang buhay.

Ayon sa Inquirer.net, nakatira na ngayon malapit sa paaralan si Wang. 10 minuto na lamang siya naglalakad mula bahay papasok ng eskwela.

Maaala sa naunang naiulat ng KAMI na tinatahak ni Wang ang 4.5 kilometro papasok ng paaralan ng may temperatura na -9. Kaya naman dumating siya sa kanilang silid paaralan na nagyeyelo na ang buhok sa lamig.

Nadurog talaga noon ang puso ng mga netizens dahil nagsumikap talagang makapasok noon si Wang dahil sa may eksaminasyon sila nang araw na iyon.

Nagawa pa siyang pagtawanan noon ng kanyang mga kaklase ngunit balewala na raw ito kay Wang.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ngayon, bukod sa mas maginhawa na ang buhay ni Wang at kanyang pamilya, patuloy [pa rin ang pagsusumikap lalo na sa pag-aaral ng bata.

Ayon sa deputy principal ng Zhuanshanbao Primary School na si Fu Heng, nananatiling nasa top 3 sa Mathematics si Wang at ikalima sa pangkalahatang baitang nila.

Di lang nagbago ang estado ng buhay ni Wang kundi maging ang kanilang paaralan at ilang kagaya niya na nakatira noon sa malayo.

Bumaha kasi noon ng donasyon para kina Wang at sa paaralan kaya marami ring natulungan ang mga ito.

At kahit isang taon na halos ang nakalipas, di pa rin nagbago ang pangarap ni Wang na maging isang pulis balang araw.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Can't get over with the latest Chambe dance challenge? KAMI tried it with a low-budget version but still with a bang!

Chambe Hit Song - Our Low-Budget Version | HumanMeter on KAMI YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Hubad na larawan ng 1 OFW, ikinalat umano ng dating nobyo at nobya nito

Hubad na larawan ng 1 OFW, ikinalat umano ng dating nobyo at nobya nito

Pinagtulungan! Nude photos ng 1 OFW, ikinalat umano ng ex-BF niya at GF nito
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel