OFW, niregaluhan ng house and lot noon, kotse naman bigay ng amo ngayon

OFW, niregaluhan ng house and lot noon, kotse naman bigay ng amo ngayon

-Laking-pasalamat ng Pinay na si Dina Tenerife Celo sa kanyang mga amo dahil sa niregalong kotse sa kanya ng mga ito

-Bukod rito, dati nang nakatanggap si Celo ng Dh23,000 (P320,000 approx.) noong October 2017 para pampagawa ng kanyang bahay

-Hindi rin daw nakalimutan ng mga ito na bigyan siya ng regalo noong Pasko

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Taong 2017 nang makatanggap ng Dh23,000 (P320,000 approx.) ang overseas Filipino worker (OFW) na si Dina Tenerife Celo mula sa kanyang mga amo.

Ito ay upang makapagpagawa siya ng bahay sa Pilipinas.

Ngunit hindi pa doon natapos ang swerte ng ating kababayan, dahil ngayong taon naman isang kotse mula sa mga amo ang iniregalo ng mga ito sa kanya.

Isang second hand na sasakyan ang ibinigay ng mga amo sa kanya na isang malaking tulong para sa kanya lalo pa at humirap na daw ang byahe niya papunta sa anak sa Abu Dhabi.

“Kasi nakikita nya na lagi akong nahihirapan at naghahabol ng oras tuwing sumasakay ako ng bus para bisitahin ang aking anak na nandito rin sa UAE. Kapag wala kasing available na sasakyan, sa bus ako sumasakay,” ani Celo sa panayam sa The Filipino Times.

“Ang hirap sumakay ng bus. Kailangan ng dalawang sakay sa bus para makapunta doon. Inaabot ako ng mahigit ilang oras sa biyahe. Kaya sobrang laking tulong nito,” dagdag niya.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

“Last December lang nung nagbago yung mga bus schedule. Yung dalawang sakay ko lang dati, naging limang sakay na. Nag-iba kasi ang mga ruta ng bus. Mula noon, nahihirapan na ako,”

“Bigla na lang sinabi sa akin ni Madam Missa na, ‘After two weeks, no more bus’,” tukoy ni sa among si Melissa McPike.

Tubong Sagñay, Camarines Sur ang 47-anyos na si Celo at ayon sa kwento nito ay tatlong beses na itong nakauwi sa Pinas noong 2018 upang makita ang konstruksyon ng kanyang bahay.

Kaya naman laking pasalamat niya sa kanyang employer na si Melissa, maging sa mga anak nito na sina Saeed, at Saif.

Hindi rin umano nito nakalimutang regaluhan siya noong Pasko.

Source: The Filipino Times

OFW, niregaluhan ng house and lot noon, kotse naman bigay ng amo ngayon

Photo source: The Filipino Times
Source: UGC

OFW, niregaluhan ng house and lot noon, kotse naman bigay ng amo ngayon

Photo source: The Filipino Times
Source: Facebook

OFW, niregaluhan ng house and lot noon, kotse naman bigay ng amo ngayon

Photo source: The Filipino Times
Source: UGC

OFW, niregaluhan ng house and lot noon, kotse naman bigay ng amo ngayon

Photo source: The Filipino Times
Source: UGC

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Guess what, it's our special edition of the tricky questions challenge, in which you will find lots of Christmas songs and joyous laughter! Merry Christmas everyone from the whole HumanMeter team – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Kris Aquino, nagbigay ng huling update tungkol sa kaso niya laban kay Nicko Falcis

Kris Aquino, nagbigay ng huling update tungkol sa kaso niya laban kay Nicko Falcis

Kris Aquino, nagbigay ng huling update sa kaso niya laban kay Nicko Falcis
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel