Tinaguriang "Ateneo bully" humarap na sa publiko! Ina nito, nagsorry na

Tinaguriang "Ateneo bully" humarap na sa publiko! Ina nito, nagsorry na

-Humarap na sa isang exclusive interview sa GMA News ang tinaguriang "Ateneo bully" at ang ina nito

-Humingi na ang mga ito ng paumanhin ngunit depensa ng bata, dinepensahan lang niya ang sarili habang ang isa sa mga videos nito ay joke lang naman daw sa pagitan nilang magkakaibigan

-Hiling ng mga ito pangalawang pagkakataon para makapamuhay ng maayos ang na-dismiss na estudyante

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa isang exclusive interview sa GMA News humarap na sa wakas ang tinaguriang "Ateneo bully" at ang ina nito sa publiko.

Humingi ang ginang ng paumanhin sa mga taong nasaktan ng na-dismiss na estudyante, maging sa Ateneo na nadamay daw sa eskandalo.

Ngunit hiling ng ina nito, unawa para sa menor de edad na anak.

Nang tanungin naman ito kaugnay sa mga kumalat nitong videos, aminado siyang may mali sa kanyang nagawa ngunit sabi nito, dinepensahan lang niya ang sarili.

Kwento nito kaugnay sa naunang video na kumalat, sabay daw silang pumasok sa CR at ito umano ang humamon sa kanya.

Nauna rin daw itong bumangga sa kanya bago pa man maganap ang insidente sa CR ng eskwelahan.

Habang ang isang video naman nito kung saan may isang estudyante naman siyang kasuntukan din, ayon sa kanya ay kaibigan niya umano ito at nagkaroon lamang sila ng 'di pagkakaintidihan.

Ang video naman daw na kuha sa canteen kung saan may isa pang estudyanteng nakaluhod sa harap nito at ng isa pa niyang kasama, joke lang daw iyon na dapat ay para sa kanila lang.

Nagpahayag naman ng pagkadismya ang ina nito kaugany sa pagkaka-dismiss sa menor de edad na anak.

Hiling nila ay pangalawang pagkakataon upang makabalik sa normal ang kanilang pamumuhay lalo na ang batang tinaguriang "Bully Kid".

Narito ang buong panayam:

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Narito naman ang ilan sa mga komento ng ilang netizens:

Von De Luna: "Hindi dahilan yung bata ang anak mo, para gumawa sha ng hindi maganda sa kapwa."

Joeljunwell Solomon: "basurang Apology yan at di na bata yang anak mo para pagtakpan mo matanda na yan Punggok nga lang !"

Raymond Azur: "Hindi yan humihingi ng paumanhin... nangangatwiran yan ng baluktot. Nagmamataas pa din."

Sherwin Victorino Castillo: "Bakit nya papapiliin ung tao ng bugbug o dignidad kung hinamon sya ng suntokan ano yun lokohan."

Danny Pantoja: "Not enough to apologise follow the law."

Jeoffrey Coronel: "Hindi daw bully...sinong niloloko mo?...bugbug oh dignidad Hindi bully?!...kwento mo sa pagong."

Nards Gonzales: "Paumanhin... e kung walang social media bka di lang yan baka dumami pa kalokohan nyan dapat nga wag kna tanggapin sa lahat ng school."

George Rareza: "Sa ina humingi ng sori pero ung ng bully wala sa puso ang paghingi ng sori."

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Guess what, it's our special edition of the tricky questions challenge, in which you will find lots of Christmas songs and joyous laughter! Merry Christmas everyone from the whole HumanMeter team – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
200 Pinoys teaching English needed in Thailand, says DepEd

200 Pinoys teaching English needed in Thailand, says DepEd

200 Pinoys teaching English needed in Thailand, says DepEd
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel