20 Gorgeous Pinay celebs na mayroong 4-million o higit pa na followers sa IG

20 Gorgeous Pinay celebs na mayroong 4-million o higit pa na followers sa IG

Hindi maikakaila ang laki at lawak ng impluwensiya ang mga social media networks ngayon, at isa sa pinakasikat ngayon na platform ay ang Instagram.

Kahit mga Hollywood celebrities at mga royal families ay mayroong IG pages na rin dahil mas malawak at marami ang naabutan na mga komunidad dito.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Isa rin ito sa mga paraan ng mga sikat para iparating ang kanilang mga mensahe, updates, at mga susunod na mga proyekto na kanilang ginagawa sa mga fans.

Pero iilan lang sa kanila ang umaabot sa 1-million mark, at ngayon dito sa KAMI, aming sisilipin ang mga gorgeous Pinay celebs na umabot na sa 4-million mark at higit pa ang mga followers nila sa Instagram.

1. Anne Curtis

Hindi maikakaila na ang It's Showtime host at lead star ng 2018 Metro Manila Film Festival movie entry na Aurora, na si Anne Curtis ang nangunguna sa lahat ng Pinay celebs sa number of followers sa IG.

Milyonaryo sa kasikatan at karangyaan, at milyonaryo din sa dami ng followers na, as of writing, ay umabot na ng 10.6 million.

2. Liza Soberano

Sumunod sa pinakamaraming followers sa Instagram ay ang magandang Darna at Kapamilya actress Liza Soberano, na ginulantang ang kanyang 8.9 million followers nang biglang naubos lahat ng post niya, kamakailan lang.

3. Pia Wurtzbach

Ang 2015 Miss Universe naman na si Pia Wurtzbach ay pumapangatlo sa pinakasinusundan na Pinay celeb sa IG.

Ngayon, meron na siyang 7.5 million followers.

4. Kathryn Bernardo

Sumunod naman sa pang-apat na pwesto ang Teen Queen of Hearts na si Kathryn Bernardo na mayroon ng 7.3 million followers.

5. Julia Barertto

Ika-lima naman sa listahan ang isa sa mga lead stars ng Ngayon at Kailanman at better half ng JoshLia love team na si Julia Barretto.

As of the moment, meron na siyang 6.2 million followers.

6. Marian Rivera

Hindi naman nagpahuli sa listahan ang Kapuso Primetime Queen at pretty preggy na si Marian Rivera dahil ika-anim sya sa pinaka finafollow na Pinay celeb.

As of writing, 6-million followers na ang soon-to-be-2nd-time mommy.

7. Alex Gonzaga

Nang mag-umpisa si Alex Gonzaga bilang vlogger, nag-reyna talaga siya ng husto at hakot lahat ng awards sa anong klaseng social media influencer recognitions ito.

At dito rin umarangkada ang kanyang followers sa IG, na ngayon ay 5.9 million na.

8. Nadine Lustre

Bukod pa sa hula ng mga feng shui experts sa Rated K, na aarangkada umano ang karera ni Nadine Lustre sa taong 2019, umaarangkada rin ang kanyang IG followers na umabot na ng 5.7-million, as of writing.

9. Kim Chiu

Ang One Great Love star ng MMFF 2018 na si Kim Chiu ay hindi rin papahuli sa milyon-milyong followers sa IG.

Ngayon, si Chinita Princess ay meron ng 5.4-million followers.

10. Maja Salvador

Sumunod sa kanyang kaibigan na si Kim ay si Maja Salvador na mayroong 5.3-million followers na.

11. Yassi Pressman

Hindi naman nagpahuli ang leading lady ni Cardo, Coco Martin sa FPJ's Ang Probinsyano na mayroon ng 5.2-million followers.

12. Solenn Heussaff

Umarangkada din ang IG followers ng Kapuso star na si Solenn Heussaff nang naging internet superstar sensations sila ng kanyang mister na si Nico Bolzico dahil sa kanilang mga laugh trip at nakakawindang na mga videos.

Ngayon, 4.9-million na ang followers ni Mrs. Bolzico o mas kilala sa online world na si wifezilla, ayon na rin sa kanyang makulit at kwelang mister.

13. Toni Gonzaga

Kahit hindi mahilig magpost ang Ultimate Multimedia Superstar na si Toni Gonzaga, di gaya na kanyang nakakabatang kapatid na internet superstar na ngayon ay hindi pa rin nawawala ang kinang ng magaling na multi-awarded actress, concert performer, endorser, singer, songwriter, at TV host, na mayroon ng 4.8-million followers na.

Ngayon naman ay pinasok na rin ang mundo ng pagiging producer sa pelikula nila ng kanyang sissum na si Alex Gonzaga ang Mary, Marry Me ng Metro Manila Film Festival 2018.

At lalong pinapahanga ang mga tao sa kanyang wisdom, class, at substance, na ngayon ay nanay na.

14. Bea Alonzo

Hindi rin nagpahuli ang kaibigan ni Toni Gonzaga o nakakabatang kapatid ni Teddie sa Four Sisters And A Wedding na si Bobbie na si Bea Alonzo dahil 4.6-million na ang followers nito sa IG.

15. Angel Locsin

Tila hindi talaga magpapahuli ang magkakapatid na sina Teddie, Bobbie, at Alex ng Four Sisters And A Wedding dahil sumunod rin sa sa listang ng maraming followers ang huli na si Angel Locsin na mayroon ng 4.5 million followers na.

16. Angelica Panganiban

Isa pang Angel ang nasa 4.5-million followers na din ngayon, at ito ay ang kaibigan rin ni Angel na si Angelica Panganiban.

17. Sarah Lahbati

Isa pang mommy na umaarangkada rin sa maraming followers na umabot na ngayong sa 4.3-million ay ang gorgeous mommy ng mga anak ni Richard Gutierrez na si Sarah Lahbati.

18. Loisa Andalio

Hindi rin naman nagpahuli ang dating PBB housemate na si Loisa Andalio at mayroon na rin siyang 4.2-million followers.

19. Janella Salvador

Umabot rin sa 4-million mark si Janella Salvador sa kanyang mga IG followers.

20. Catriona Gray

Pagkatapos manalo ni Miss Philippines Catriona Gray sa 2018 Miss Universe beauty pageant ay umarangkada rin ang number of followers niya na in just about a couple of weeks umabot na ito ng 4-million.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

On another note, as we are still celebrating the holiday season together with our family and loved ones, our team has explored the streets, once again, to ask our fellow Pinoys on some fun, Christmas tricky questions.

Clearly, they had hilarious laughs on their faces, making this joyful season happier and more meaningful.

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Teddy Corpuz breaks his silence on alleged disbandment of 'Rocksteddy'

Teddy Corpuz breaks his silence on alleged disbandment of 'Rocksteddy'

Teddy Corpuz gets honest about the alleged disbandment of ‘Rocksteddy’
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel