Follow na! Bilyonaryong Hapon, nangakong mamimigay ng 1M sa 100 Twitter followers niya

Follow na! Bilyonaryong Hapon, nangakong mamimigay ng 1M sa 100 Twitter followers niya

- Isang Japanese billionaire Yusaku Maezawa ang nakaabot ng mahigit 5.4 million tweets dahil sa kanyang pa-premyo

- Nangako kasi siya na mamahagi ng 1 million Japanese yen sa 100 na mapipili niyang twitter follower na magre-retweet ng kanyang post

- Nahigitan ng kanyang tweet ang post ng Amerikanong si Carter Wilkerson kung saan umabot lamang ng 3.550 million retweets

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Agaw eksena ngayon sa social media ang Japanese Billionaiire na si Yusaku Maezawa nang inanunsyo niya na mamahagi siya ng JPY 1,000,000.

Ayon sa philstar, simple lang ang dapat gawin ng nais manalo. Kailangan lamang daw nilang i-retweet ang post ni Maezawa sa Twitter at mamimili siya ng 100 na twitter follower niya na magkakamit ng gantimpala.

"To participate, all you have to do is follow me and RT this tweet," sabi ni Yusaku sa wikang Hapon.

Dahil dito pumalo ang post sa 5.24 million retweets, 1.45 million likes at 390,000 comments.

Ang papremyo na ito ay bahagi ng tagumpay at selebrasyon ng e-commerce site niyang Zozotown’s na umabot ng JPY10 billion ang sales ngayong bagong taon.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Natalo pa ni Maezawa ang Amerikanong si Carter Wilkerson kung saan nangako naman itong mamimigay ng life time supply ng chicken nuggets mula sa Wendy's kung makaaabot siya ng 18 million retweets. Nakakuha lamang siya ng 3.311 million retweets.

Samantala, dating drummer si Maezawa ng Japanese band na Switch Style noong 90's bago niya pasukin ang pagiging negosyante.

Noong Lunes, muling nagtweet si Maezawa kung nais pa ng kanyang mga followers ng panibagong round ng papremyo.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Can't get over with the latest Chambe dance challenge? KAMI tried it with a low-budget version but still with a bang!

Chambe Hit Song - Our Low-Budget Version | HumanMeter on KAMI YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Chronic kidney disease patient, buong tapang na nilalabanan ang karamdaman na mag-isa

Chronic kidney disease patient, buong tapang na nilalabanan ang karamdaman na mag-isa

Chronic kidney disease patient, buong tapang na nilalabanan ang karamdaman na mag-isa
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel