Sanggol, pinahiram ng ina kapalit ng salapi, nanghiram, wala na sanang balak itong ibalik

Sanggol, pinahiram ng ina kapalit ng salapi, nanghiram, wala na sanang balak itong ibalik

- Idinulog sa pulisya ng isang ina ang sitwasyon kung saan ayaw na raw isauli ng nanghiram sa kanyang anak ang sanggol kapalit ng pera

- Umaming nagipit ang ina kaya naman naghanap sila sa social media ng mga nais mag-ampon

- Nagbigay ng ₱12,000 suspek at bilang kapalit, hiniram nito ang bagong panganak na sanggol

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sising sisi ang isang ina nang kumapit ito sa patalim at naisipang ipahiram ang kanyang sanggol sa isang babae na nakilala lamang niya sa social media.

Ayon sa GMA news, inamin ng ina na nagipit siya sa pera hanggang sa nakilala niya si Richelle Acuno at nagtanong siya rito kung may kakilala ito na maaring magpahiram sa kanya ng pera na halagang ₱20,000.

Sinabi ni Richelle na mayroon siyang hawak na pera ngunit hiningi nitong kapalit ang bagong silang na sanggol ng ginang.

Nakapagbigay umano ng ₱12,000 si Richelle ngunit tila nahimasmasan ang ina ng sanggol at naisipang ibalik ang pera dahil di na nila kayang mawalay sa anak.

Enero 3 nang magkasundo na lamang sila na ipahiram ang anak bilang pakonswelo sa pagbibigay sa kanila ng pabor sa panahong gipit na sila.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

"Iniyakan niya kami. Hindi raw siya puwedeng umuwi. So parang siyempre may tinulong siya sa 'min, so pinahiram namin si baby. 'Yon yung mali namin, pinahiram namin 'yung anak ko," kwento ng ina ng sanggol.

Nang naisipan nang kunin muli ang sanggol, agad na pinuntahan ng ina ang address na binigay sa kanya ni Richelle. Sa kasamaang palad, wala na ang suspek sa lugar na iyon.

Makailang beses niyang subukang makausap sa text si Richelle ngunit wala na talaga itong sagot. Dito nagdesisyon ang ina na idulog na sa pulisya ang sitwasyon nila.

Nalaman nilang nasa San Juan, Batangas na pala ang sanggol kaya naman agad na nagsagawa ng operasyon ang Station 6 ng Quezon City police kasama ang mga magulang ng sanggol.

Tila aburido si Richelle at inaming desperado na siyang magkaanak. Nagsinungaling daw kasi siya sa kanyang mister dahil ang totoo ay nakunan siya.

Maayos naman na nabawi ang sanggol at labis na pinagsisishan ng mga magulang ng bata ang kanilang nagawa rito

Maaring maharap sa kasong article 270 yung failure to return a minor, dahil sa naipagkatiwala ang sanggol kay Richelle at di agad ito naisauli sa ina.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Can't get over with the latest Chambe dance challenge? KAMI tried it with a low-budget version but still with a bang!

Chambe Hit Song - Our Low-Budget Version | HumanMeter on KAMI YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Kris Aquino's lawyers respond to Gretchen Barretto's allegations

Kris Aquino's lawyers respond to Gretchen Barretto's allegations

Giyera na 'to! Kris Aquino releases official statement of lawyers after Gretchen Barretto's IG stunt
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel