Suspek sa pagpatay sa mag-lola sa Bulacan, dumaan pa daw sa burol ng mga ito

Suspek sa pagpatay sa mag-lola sa Bulacan, dumaan pa daw sa burol ng mga ito

-Arestado na ang suspek sa pagpatay sa mag-lola sa Plaridel, Bulacan nitong Lunes ng umaga

-Ayon sa kwento ng mga kaanak ng mga biktima, nakita pa daw nilang dumaan-daan ang suspek sa burol ng mga ito

-Napag-alamang kapit-bahay lang pala ng suspek ang mga napaslang

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nakita pa daw ng mga kaanak ng mag-lolang napatay sa Plaridel, Bulacan ang suspek na ka[itbahay pala ng mga ito ayon sa kwento ng mga kaanak ng mga biktima.

Sugatan rin sa insidente ang isa pang apo ng biktima na pitong taong gulang lamang.

Lunes ng umaga nang pasukin ng suspek na kinilalang si Jay Vincent Mamerto, 27-anyos ang bahay ng mga biktima sa Isabel Village, barangay Tabang, Plaridel, Bulacan, na una nang naibalita ng KAMI.

Patay sa saksak ang mga mag-lolang sina Sylvia Castil, 63, at apo nito sa pamangkin na si Cyreen Margarette San Pedro, 14.

Habang ang isa pang apo ng biktima na si Cyrus James Malicsi, 7 taong gulang ay sugatan naman.

Ayon sa ulat ng GMA News, nakuhanan sa CCTV ang pagtakas ng suspek na malalaki ang hakbang at tila ba nagmamadali.

Nakuha rin mula rito ang pantalong may mga bakas ng dugo.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Bakas din ang mga sugat sa braso ng suspek na natamo umano nito sa panlalaban ng mga biktima.

Nagta-trabaho daw ang suspek sa isang pet shop.

Sabi ni Mamerto magnanakaw lang sana siya para sa panganganak ng asawa at hindi intensyong patayin ang mga biktima.

Humingi siya ng tawad sa mga kaanak ng mga ito ngunit emosyonal pa ang mga ito. Sana daw ay humingi na lamang ito ng tulong pinansyal sa kanila.

Source: GMA News

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Guess what, it's our special edition of the tricky questions challenge, in which you will find lots of Christmas songs and joyous laughter! Merry Christmas everyone from the whole HumanMeter team – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Kris Aquino's lawyers respond to Gretchen Barretto's allegations

Kris Aquino's lawyers respond to Gretchen Barretto's allegations

Giyera na 'to! Kris Aquino releases official statement of lawyers after Gretchen Barretto's IG stunt
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel