Pangulong Duterte, may babala sa mga establishments sa Manila Bay

Pangulong Duterte, may babala sa mga establishments sa Manila Bay

- Sisimulan na ngayong Enero ang rehabilitasyon sa Manila Bay

- Kaya naman, may babala si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga establishimento sa gilid ng Manila Bay

- Ipapasara niya umano ang mga ito kapag walang water treatment

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Giit ni Pangulong Rodrigo Duterte, kung walang gagawing aksyon sa basura ng mga establishimento sa Manila Bay ay ipapasara niya ang mga ito. Nalaman ng KAMI na tuloy na tuloy na ang rehabilitation program para sa Manila Bay.

Ayon sa ulat ng ABS-CBN News, nais ni Pangulong Duterte na maglagay ng water treatment ang mga establishments sa Manila Bay.

“Whether they like it or not, lahat itong, itong mga hotel, ‘yung palabas niyong mga tae ng mga turista… lagyan niyo ng water treatment kung hindi pasarahan ko iyan,” giit ng Pangulo.

“Kung wala tayong turista eh di wala, hindi naman tayo mamamatay… You do something about your waste there, otherwise we will close it,” dagdag niya pa ayon sa report ng Rappler.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Kalimitan kasing sinisisi ang mga basura mula Cavite at Laguna kaya nagkaganoon ang Manila Bay at naipon ang mga ito sa Roxas Boulevard. Sisimulan na ngayong Enero ang rehabilitasyon sa bay na ito.

Nauna namang naibalita ng KAMI na inaprubahan na ni Pangulong Duterte ang paglilinis sa Manila Bay. Aabutin daw ng 7 years ang rehabilitation program na ito at ang initial budget ay nasa P47 Billion ayon sa Department of Environment and Natural Resources (DENR).

POPULAR: Read more news about President Rodrigo Duterte!

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Best Present For Christmas – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Naaagnas na bangkay ng babae, natagpuan! Suspek sa krimen ang live-in partner nito

Naaagnas na bangkay ng babae, natagpuan! Suspek sa krimen ang live-in partner nito

Dahil sa selos! Naaagnas na katawan ng babae, natagpuan sa Cebu
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel