Saksi sa insidente ng "bullying" sa Ateneo, giniit na unang naghamon ang sinasabing biktima

Saksi sa insidente ng "bullying" sa Ateneo, giniit na unang naghamon ang sinasabing biktima

- Nag-viral bago matapos ang taong 2018 ang video ng tinaguriang "Ateneo bully" sa social media

- Naging kontrobersyal ang isyung ito dahil sa di lamang isa kundi tatlo ang lumutang na video ng batang lalaking black belter umano sa taekwondo

- Matapos ang halos isang buwan, nagsalita na ang isa sa mga nakasaksi sa pangyayari sa cr ng paaralan kung saan naganap ang pananakit at nakunan pa ito ng video

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Dumulog sa GMA news ang isang Grade 9 student ng Ateneo de Manila university na nagpakilala bilang isa sa mga saksi sa kontrobersyal na insidente ng bullying sa nasabing paaralan.

Nalaman ng KAMI na nagpasya na ang saksi na maglabas ng pahayag dahil sa hindi raw kumpleto ang mga lumalabas na espekulasyon sa naturang insidente.

Saksi sa insidente ng "bullying" sa Ateneo, giniit na unang naghamon ang sinasabing biktima
source: GMA news exclusive
Source: Facebook

Sa tatlong video kasi, makikitang halos pare-pareho ang panghahamon na ginagawa ng tinaguriang "Ateneo bully" ngunit binigyang linaw ng saksi sa insidente sa cr na may kulang sa lumalabas na kwento ukol dito.

Ayon sa Grade 9 student, una raw na nanghamon ang sinasabing biktima sa video. Makailang beses daw nitong binangga ang "bully" na siyang naging dahilan para mapuno ito.

Dagdag pa ng saksi, maging siya ay nagawan ng di maganda ng kamag-aral na nabugbog ng "bully". Mula pa raw noong sila ay nasa grade 7 nababastos na raw siya ng biktima.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sa paningin ng saksi, parehong may mali ang "bully" at biktima ngunit di umano ito maituturing na bullying ayon sa kanya.

Ayon pa sa kaeskwela na nakakita ng insidente, nalulungkot siya sa naganap na "panghuhusga" agad sa tinaguriang "Ateneo bully."

Napag-usapan din umano ng kanyang mga kamag-aral ang agarang pagpapatanggal ng kanilang paaralan sa inaakusahang bully. Ayon sa kanila, tila na-pressure lang ang nibersidad na gawin ito dahil narin sa naging reaksyon ng publiko sa pangyayari.

Naihayag na rin ng di nagpakilalang saksi ang kanyang nakita sa mismong pamunuan ng paaralan kaya umaasa siyang mabuksan muli ang kaso.

Binigyang linaw din niya na hindi siya pinilit ninuman at kusang loob siyang naglabas ng "totoong"pahayag ayon sa kanyang masaksihan.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Can't get over with the latest Chambe dance challenge? KAMI tried it with a low-budget version but still with a bang!

Chambe Hit Song - Our Low-Budget Version | HumanMeter on KAMI YouTube channel

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica