Aljur Abrenica, isiniwalat na wala silang balak magpakasal noon ni Kylie Padilla

Aljur Abrenica, isiniwalat na wala silang balak magpakasal noon ni Kylie Padilla

- Kamakailan lang ay nag-isang dibdib na ang showbiz couple na sina Aljur Abrenica at Kylie Padilla, na talaga namang pinag-usapan ng husto

- Inamin naman ng Kapamilya aktor na sobrang saya niya sa katatapos na kasal nila ng anak ni Robin Padilla, na 2 weeks lang ang preparasyon

- Gayunpaman, isiniwalat ni Aljur na wala raw silang balak ni Kylie na magpakasal noon pero nagbago daw lahat yun, nang magpatanto niya ang kagandahan na may basbas ng Panginoon

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Napag-alaman ng KAMI na naibahagi ng Kapamilya aktor na si Aljur Abrenica sa pag-guest niya sa Magandang Buhay nina Queen mother momshie Karla Estrada, Melai Cantiveros, at Jolina Magdangal, kamakailan lang, na noon ay wala silang balak ni Kylie Padilla magpakasal.

Dito ay ibinahagi ng aktor ang kasiyahan na nadarama niya sa katatapos na kasal nila ng Kapuso actress na si Kylie Padilla, ang anak ng aktor na si Robin Padilla.

Hanggang ngayon daw ay hindi raw makapaniwala ang saya na dulot ng kanilang pagpapakasal, ani pa sa balita ng ABS-CBN News, kung saan una naming naispatan ang rebelasyong ito.

Nabago raw lahat ito nang makahanap sila ng huwarang mag-asawa daw at napaisip.

Ani pa umano ni Aljur Abrenica:

"Hanggang sa nakita ko 'yung mga wedding ritual. Sabi ko ang ganda nito, may basbas ng Diyos. Tapos magsasama-sama ang buong pamilya, magkakakilala sila. So nag-decide kaming magpakasal, so importante talaga ang kasal."

Ikinasal sina Aljur Abrenica at Kylie Padilla noong December 11, 2018, na ibinalita rin namin dito.

Unang nagkakilala sina Aljur Abrenica at Kylie Padilla sa Kapuso network kung saan unang nakilala at sumikat ang ngayon ay Kapamilya aktor na.

At mayroon na silang isang unico hijo na sikat na ring celebrity baby na si Alas.

POPULAR: Read more news about Aljur Abrenica here and Kylie Padilla here

Panoorin ang rebelasyon ni Aljur sa timestamp 4:30, sa babang video.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

On another note, as we are still celebrating the holiday season together with our family and loved ones, our team has explored the streets, once again, to ask our fellow Pinoys on some fun, Christmas tricky questions.

Clearly, they had hilarious laughs on their faces, making this joyful season happier and more meaningful.

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Manny Pacquiao and family pose with NBA superstars

Manny Pacquiao and family pose with NBA superstars

Manny Pacquiao and family pose with NBA superstars
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel