Sama ng tingin! Mommy Divine, nairita umano sa sinabi ni Regine Velasquez kay Sarah Geronimo

Sama ng tingin! Mommy Divine, nairita umano sa sinabi ni Regine Velasquez kay Sarah Geronimo

- Nagkaroon ng konting tuksuhan sina Regine Velasquez, Moira dela Torre at Sarah Geronimo

- Nang tuksuhin ni Regine si Sarah, napabaling ito sa audience at nakita ang umano'y matalim na tingin ni Mommy Divine sa kanya

- Dito nagkaroon ng spekulasyon na talagang nairita si Mommy Divine sa mga sinabi ni Reg

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nagkaroon ng performance sina Regine Velasquez at Sarah Geronimo kasama si Moira dela Torre.

Nalaman ng KAMI na inawit nila ang Sundo at Tagpuan, na hit song naman ni Moira.

Kwento ni Moira tungkol sa kanta, silang dalawa daw ng fiance niyang si Jason ang sumulat ng lyrics ng kanta.

Ayon sa report ng PhilNews, kinausap ni Jason yung director ng music video para makapagpropose siya kay Moira habang nagsho-shoot.

Dahil nga tungkol sa fiance at mga kasal pinag-uusapan, di naiwasan ni Reg na tuksuhin ang Popstar Princess.

Tinanong niya kung kelan daw magpapakasal si Sarah, at sinuklian lang ito ng huli.

Di paawat si Asia's Songbird, at patuloy na tinukso si Sarah, hanggang sumagot ito ng "one day."

Dito na-realize ni Reg na nasa audience si Mommy Divine, tuloy napasambit siya na:

"Ay ang sama ng tingin sa'kin ni Mommy oh!"

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Nang makita ni Reg na mukhang nagseryoso si Mommy Divine, ibinaling na lang niya ang topic sa kasal ni Moira.

Nag-react din ang mga netizens kay Mommy Divine:

Zipper your mouth n lng bka ayawin ka pa nyan
Sobra naman nagpapapapel nanay ni Sara. Parang di galing sa walang wala. Sana ikulong na lang sa bahay anak niya. Ang tao nga naman kung nakatik ng gonhawa
Tama..over din
siguro ayaw nya mag asawa si Sarah e di naman habang panahon e bata yan syempre nagkakaidad yan dapat e mag asawa din yan para magkaroon ng sariling family di ba saka habang bata pa asawa na sya para mag kaanak na sya...SArah wag mo isipin lagi family mo kase meron ka sariling buhay need mo magkaroon ng sariling family para maging masaya ka magsisisi ka someday pag pinabayaan mo love life mo.
Why so strict, your daughter is a showbiz personality.
Tama..over masyado

Si Regine Velasquez ay tinaguriang Asia's Songbird. Siya ang asawa ni Ogie Alcasid at may isang anak silang si Nate. Naireport sa KAMI na nakunan ng video si Ogie na umiiyak hawak-hawak kamay ni Reg.

Naging Kapuso siya sa loob ng dalawampung taon, simula noon 1998 nang siya'y maging parte ng GMA noontime show na SOP.

POPULAR: Read more about Regine Velasquez

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Care for some "pampa-good vibes"? Watch our Ariana Breathin Low-Budget Parody | HumanMeter On KAMI YouTube Channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Pak na pak! Heart Evangelista, kinagiliwan ng netizens ang pag-rampa sa supermarket

Pak na pak! Heart Evangelista, kinagiliwan ng maraming netizens ang pag-rampa sa supermarket

Pak na pak! Heart Evangelista, kinagiliwan ng maraming netizens ang pag-rampa sa supermarket
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel