Snatcher, minalas nang tangkaing nakawin ang cellphone ng isa pa lang MMA fighter

Snatcher, minalas nang tangkaing nakawin ang cellphone ng isa pa lang MMA fighter

- Bugbog sarado ang isang cellphone snatcher nang ang mabiktima pala niya ay isa pa lang mixed martial artist

- Nakilala ang MMA fighter na si Polyana Viana o mas kilala bilang si "the iron lady"

- Tinakot pa umano si Polyana ng snatcher na may baril siya ngunit bago pa raw ito mabunot ay nabanatan na niya ito ng suntok

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Tila minalas at nagkamali sa nabiktima ang isang snatcher sa Rio de Janeiro dahil isa palang mixed martial arts fighter.

Ayon sa sports inquirer, tinangka umanong makuha ng snatcher ang cellphone ng babaeng may nickname na "the iron lady". Tinakot pa umano ng suspek ang biktima na may baril pa ito.

Ngunit, walang anumang takot na naramdaman ang MMA fighter na nakilalang si Polyana Viana dahil bago pa man madukot ng snatcher ang sinasabi nitong "baril", nasuntok na niya ito.

Dalawang suntok at tinatawag na “rear-naked choke” ang nagpa-upo sa snatcher at napatahimik ito hanggang sa makarating ang mga rumespondeng pulis.

Nalaman din ng KAMI na naghihintay lamang daw si Polyana sa na-book niyang Uber sa harap mismo ng kanyang apartment nang lapitan siya ng snatcher.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Napag-alaman din na ang sinasabing baril ng snatcher ay peke at gawa lamang sa karton.

Madali ring napatumba ng "the iron lady" ang kanyang snatcher na labis na rin ang takot sa kanya matapos ang ilang suntok lamang.

Matapos daw ang police report, nakauwi na agad si Polyana na bahagyang nasaktang ang kamay ngunit nakapaghanda pa umano ng kanilang hapunan.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Can't get over with the latest Chambe dance challenge? KAMI tried it with a low-budget version but still with a bang!

Chambe Hit Song - Our Low-Budget Version | HumanMeter on KAMI YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
British man spends P5.2 million to look like Jimin of K-pop group BTS

British man spends P5.2 million to look like Jimin of K-pop group BTS

British man spends P5.2 million to look like his K-pop idol Jimin of BTS
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel