Grab driver, umani ng papuri sa di pagpapabayad sa pasaherong 2 beses sinugod sa ospital

Grab driver, umani ng papuri sa di pagpapabayad sa pasaherong 2 beses sinugod sa ospital

- Viral ngayon ang post ni James Brillantes kung saan binahagi niya kung paano sila natulungan ng isang Grab driver sa isang emergency situation

- Sinalaysay ni James kung paano mabilis na naisugod ang kanyang baby ng Grab driver na si Ryan Bueno at di lang isa kundi dalawang beses pa itong di nagpabayad

- Umani ng papuri ang ginawa na ito ng Grab driver at sana raw ay pamarisan pa ng iba lalo na sa panahong may nangangailangan ng tulong

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Umani ng papuri ang ginawa ng isang Grab driver na si Ryan Bueno kung saa di ito nagpabayad sa pasaherong nagsugod ng kanilang baby sa ospital.

Ayon sa salaysay ni James Brillantes sa kanyang Facebook, Madali raw nilang na-book ang Grab na minamaneho ni Ryan. Mabilis din silang nakarating sa ospital dahil alam daw ni Ryan na emergency na ang sitwasyon ng anak ni James.

Nang makarating sa unang ospital, di nagpabayad ang Grab driver at sinabing tulong na niya ito para kay baby.

Ngunit walang bakante sa ospital sa Las Piñas Doctors Hospital kaya naman nag-book muli si James ng Grab para sumubok naman sa ibang ospital sa Parañaque.

Muli, na-book ni James ang minamanehong Grab car ni Ryan at agad itong bumalik nang para isugod sa ibang ospital ang baby ni James.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

At marahil tatanggi muli si Ryan sa ibabayad nina James, minabuti ng misi ni James na iwan na lamang ang pambayad sa likod ng sasakyan.

Laking gulat nila nang bumaba ng sasakyan si Ryan at binalik ang pera sa mag-asawa. Sadyang nakaktaba raw talaga ng puso ang ginawa na ito ng Grab driver. Malaking bagay na rin daw sa mag-asawa na mabilis na nadala sa ospital ag kanilang baby at di pa nagpabayad si Ryan bilang tulong na niya sa bata.

Dahil dito, nag-viral ang post at talaga namang kahanga-hanga ang pagtulong na ginawa ng Grab driver.

Umabot na sa 5.2k reactions, 47 comments at 1k shares ang naturang post.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Can't get over with the latest Chambe dance challenge? KAMI tried it with a low-budget version but still with a bang!

Chambe Hit Song - Our Low-Budget Version | HumanMeter on KAMI YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
K Brosas fumes in anger after seller used Chokoleit's pictures to promote product

K Brosas fumes in anger after seller used Chokoleit's pictures to promote product

K Brosas fumes in anger after seller used Chokoleit's pictures to promote product
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel