Selfie pa more! 5 rookie pulis, pinag-iinitan dahil sa kanilang selfie matapos ang drug operation

Selfie pa more! 5 rookie pulis, pinag-iinitan dahil sa kanilang selfie matapos ang drug operation

- Kumalat sa publiko ang selfie ng mga rookie pulis matapos ang kanilang drug operation

- Kaya naman, sumailalim ang mga ito sa imbestigasyon

- Na-reassign din ang mga pulis na ito sa ibang unit ng CPPO

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sumailalim ngayon ang 5 rookie pulis sa Talisay City matapos lumabas sa publiko ang “selfie” nila pagkatapos ng kanilang drug operation. Nalaman ng KAMI sa Yahoo! Philippines na nakuhanan ang kanilang pag-iinventory ng mga ilegal na drogang naconfiscate nila.

Nagsagawa ng isang buy-bust operation noong January 5 (Sabado). Ayon kay Senior Supt. Manuel Abrugena, director ng Cebu Provincial Police Office (CPPO), na reassign ang 5 pulis sa Personnel Holding and Accounting Unit (PHAU) nila. Dagdag inya pa, posibleng humarap sa administrative charges ang mga ito at kunin ang kanilang mga firearms habang nasa imbestigasyon.

Selfie pa more! 5 rookie pulis, pinag-iinitan dahil sa selfie matapos ang drug operation

Photo from Yahoo! Philippines
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

“I am sad that my hardworking operatives learned the hard way. Too trusting din kasi ang police natin sa media ngayon. The picture was published by media without blurring the face of the operatives,” giit ni Talisay City Police Chief Supt. Marlu Conag ayon sa balita ng SunStar Cebu.

“Bawal yan, because it might affect the integrity of our police operations and the security of our operatives pertaining sa nag ooperate sa drugs. Kaya yan sila di naka-uniporme kase mga operatiba natin yan. Ngayon, kung makikita sa social media yung pagmumukha nila, ma burned out yung identities,” dagdag niya pa.

Sabi rin ni Conag na pwede pa ring kumuha ng litrato ang pulisya pero dapat picture ito ng subject nila o ng mga ebidensyang nakuha.

Base sa report ng Philippine News Agency ay 70 na pakete ng ilegal na droga ang nakuha at nahuli ang isang high-profile na drug suspek sa kanilang operation.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Best Present For Christmas – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Gretchen and Claudine reveal they're not invited to Dani Barretto's wedding

Gretchen and Claudine reveal they're not invited to Dani Barretto's wedding

Gretchen and Claudine reveal they're not invited to Dani Barretto's wedding
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel