Netizens, namangha sa kakaibang pamasko ng guro sa kanyang klase

Netizens, namangha sa kakaibang pamasko ng guro sa kanyang klase

- Kakaiba ang naging pamasko ng isang guro sa kanyang mga estudyante na kanyang pinaghirapan

- Iginuhit niya ang bawat 27 niyang mga estudyante na nasa Ika-9 na baitang

- Ayon sa guro na si Roselyn Barcoma, nais lamang niyang iparamdam sa kanyang mga estudyante na bagama't istrikto siya sa paningin nila, nagmamalasakit pa rin siya sa mga ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Viral ngayon ang larawan ng isang klase na wala ang mga estudyante ngunit makikita ang kani-kanilang self-portrait na guhit mismo ng kanilang gurong tagapayo.

Pamasko raw ito ng guro na si Roselyn Barcoma ng Holy Redeemer School of Cabuyao sa Banlic, Cabuyao, Laguna sa kanyang mga estudyante.

Nalaman ng KAMI na espesyal ang mga regalo dahil sa isa isa talagang ginuhit ng guro ang kanyang 27 na esudyante na nasa ika-siyam na baitang.

Sa panayam ng Rappler sa guro, naisip daw ito ni teacher Roselyn dahil sa istrikta umano ang tingin sa kanya ng kanyang mga estudyante, naisip niya itong regalo upang maiparamdam sa mga estudyante niya ang malasakit niya sa mga ito.

Ayon sa post mismo ni Roselyn, inabot siya ng mahigit isang buwan sa pagguhit ng bawat isang mukha ng kanyang estudyante. Nagsimula siya noong Disyembre 1 at natapos siya noong Enero 6.

Labis na namangha ang mga netizens sa ginawa na ito ng guro. Katunayan, umabot na sa 19k na reaksyon, 460 na komento at 5335 na shares ang post na ito.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"So proud of you teacher Roselyn Barcoma kaya pala nakapila ang Descartes kanina sa labas.."
"Teacher na artist pa.. Kung ako ang student. Ma fi feel ko tlaga na pinapahalagahan Ako ni maam..#SanaAll"
"The kind of teacher we need for this generation and beyond!! Wonderful class act, Miss.. truly u would inspire a class of believers and doers by this!!!"
"Galing mo mam rose d biro ang sketch drawing it takes a lot of time or even days s isang picture lng pro ikaw isang buong section! yan ang tinatwag effort!!! Tambling ako mam! He he!!!"
"Congrats roselyn.. You really have strong passion in arts and most especially in teaching.. Keep it up mam.. We are so proud of u.."

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Can't get over with the latest Chambe dance challenge? KAMI tried it with a low-budget version but still with a bang!

Chambe Hit Song - Our Low-Budget Version | HumanMeter on KAMI YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Gretchen and Claudine reveal they're not invited to Dani Barretto's wedding

Gretchen and Claudine divulged they're not invited to their niece Dani's wedding

Gretchen and Claudine reveal they're not invited to Dani Barretto's wedding
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel