Dating OFW na nahiwalay sa asawa at ngayo'y 1 ng negosyante, may payo para sa lahat

Dating OFW na nahiwalay sa asawa at ngayo'y 1 ng negosyante, may payo para sa lahat

-Dalawang buwan pa lang daw siyang nalalayo sa Pinas para maging OFW ay nangaliwa na ang kanyang asawa na naiwan sa bansa

-Hindi man ito naging madali para sa dating nurse at OFW na si Teresita Perez-Villanueva ay nalampasan naman niya ito

-Sa ngayon ay isa na siya sa mga kinikilalang negosyante sa bansa at ang negosyo niya ay lumawak na hanggang sa ibang bansa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Dating nurse si Teresita Perez-Villanueva sa Kingdom of Saudi Arabia. Noong una daw ay plano lamang niyang mag-stay doon ng isang taon para lamang makaipon ng pang-negosyo.

Kasal na siya at may isang anak ng mga panahong iyon. Ngunit makalipas lamang ang dalawang buwan ay nagloko na umano ang kanyang asawa.

“Dalawang buwan pa lang akong nakakaalis, nagloko na ang asawa ko. Naghanap kaagad (ng iba) kaya nauwi sa hiwalayan ang pagsasama namin," ayon dito sa panayam sa GMA News.

Dinamdam daw niya ito at tulad ng ibang overseas Filipino worker (OFW) ay naranasan niya ang pagdadalamhati malayo sa kanyang pamilya.

Iniisip daw niya ang kanyang anak na naiwan sa Pinas ngunit laking-pasalamat niya sa mga kapatid na siyang nag-alaga dito.

“Mahirap ang pinagdadaanan ng mga OFWs. Iyung iba nagkakasakit lalo na kung may problemang iniisip sa Pilipinas. Gaya ng experience ko, nasa malayo akong lugar (pero) ang iniisip ko ang anak ko. Mabuti na lang nandoon ang mga kapatid ko," aniya.

Sa kabila nito, pinilit niyang hamigin ang sarili at nagsimula muli.

“Naku, naging glutton ako noon! ‘Yung depression ko dinaan ko sa pagkain. Kain ako ng kain kaya tumaba ako.

Pero na-realize ko dapat magpursige ako para sa anak ko at sa mga kapatid ko.

Kaya ginawa kong busy ang sarili sa trabaho at sideline sa pagtitinda, pag-attend sa activities ng mga OFW, at saka palihim akong nag-attend ng charismatic group kasi bawal doon," kwento nito.

Kaya naman payo niya sa iba, "Kung maisasalba pa ang pamilya, umuwi na lang. Pero kung hindi na, i-sacrifice na talaga. Isubsob mo na lang ang sarili sa trabaho at magpayaman para sa anak mo. Kailangan maging praktikal sa hirap ng buhay lalo na ngayon."

“Nakakaawa ang mga bata. Kaya ‘di ba may mga balita na karamihan, ‘yung mga anak ng OFW, it’s either nalululong sa bawal na gamot o kaya nabubuntis kasi hindi nagagabayan, napapariwara.

‘Yan dapat ang iisipin din ng mag-asawa bago umalis kung ano ang magiging resulta ng pag-alis,"

“I’m talking from my experience. ‘Yung pamangkin ko na OFW din ang asawa. Sinabihin ko na huwag nang umalis dahil baka masira ang pamilya nila.

Pero nagtuloy rin, hindi ako nagkamali nagkahiwalay sila, may tatlo silang anak,"

Kahit pa nga nabigo sa unang asawa, muli namang umibig si Tess pagkatapos ng siyam na taon. Doon na niya nakilala si Nelson, na nagta-trabaho rin sa KSA.

April 3, 1980 nang magsimulang magtrabaho si Tess sa Ministry of Health ng KSA sa loob ng 11 taon. At ang remaining years ay sa Ministry of Defense and Aviation

Kalaunan ay na-komisyon siya sa Palace clinic na pinamamahalaan ng deputy prime minister at crowned prince ng KSA kung saan nagkaroon siya ng pagkakataon na makasama ang mga prinsesa.

Pinagmasdan umano niya kung paano nagpapaganda ang mga ito.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

“Hindi naman sila (Prinsesa) bumibili ng mga beauty products. Mga raw materials din ang ginagamit nila tapos may nagtitimpla. Ako ngayon, pinag-aralan ko rin, nag-eksperimento ako kung ano ang mga dapat pang ihalo sa timpla hanggang ma-perfect ko na ang “Magic Cream,"

Pagkatapos nito ay pinasubukan niya ang "Magic Cream" sa mga prinsesa at tsaka sinimulang ibenta sa ibang OFW doon.

'Di naman siya nabigo dahil pumatok naman ito.

Taong 2005, bumalik ng bansa si Tess upang tutukan ang pagpapalago sa “Magic Cream". Katuwang niya rito ang asawang si Nelson.

Ibinebenta na ito ngayon sa Mercury Drug, Watsons Personal Care Store, Southstar Dru9s, selected Hortaleza outlets, Makro, Hypermart at leading pharmacies at shopping malls.

Bukod pa rito ay nakapag-pundar na rin siya ng mango plantation, palayan, at columbaruim sa Cabanatuan.

Iba't-ibang parangal na rin ang natanggap ni Tess.

“Minsan naiimbitahan akong magsalita sa forum for OFWs. May nagsasabi na ‘buti ka pa successful na kami kumakayod pa.’

Ang payo ko naman ‘aim high.’ Dapat magsikap talaga at maghanap ng negosyo na pwedeng pasukin kasi hindi for life OFW ka. Bigyan mo rin ng time ang sarili na ma-enjoy ang mga pinaghirapan mo,"

Nais umano nilang mag-asawa na mas palawakin pa ang negosyo sa mga bansang Hawaii, Guam, Canada, England, Japan, Taiwan, Hong Kong at China, USA at Middle East countries.

Source: GMA News

Dating OFW na nahiwalay sa asawa at ngayo'y 1 ng negosyante, may payo para sa lahat

Photo source: FB My Puhunan
Source: Facebook

Dating OFW na nahiwalay sa asawa at ngayo'y 1 ng negosyante, may payo para sa lahat

Photo source: GMA News
Source: Facebook

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Guess what, it's our special edition of the tricky questions challenge, in which you will find lots of Christmas songs and joyous laughter! Merry Christmas everyone from the whole HumanMeter team – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Pinagtulungan! Nude photos ng 1 OFW, ikinalat umano ng ex-BF niya at GF nito

Pinagtulungan! Nude photos ng 1 OFW, ikinalat umano ng ex-BF niya at GF nito

Pinagtulungan! Nude photos ng 1 OFW, ikinalat umano ng ex-BF niya at GF nito
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel