Anak ng magsasaka at OFW ipinagmalaki ang nakamit dahil sa sakripisyo ng magulang

Anak ng magsasaka at OFW ipinagmalaki ang nakamit dahil sa sakripisyo ng magulang

-Labis-labis ang pagpapasalamat ng isang anak sa kanyang mga magulang

-Sa isang article, ibinahagi nito ang mga pinagdaanang hirap ng kanyang ama at ina maitaguyod lamang ang pag-aaral nilang apat

-Ibinahagi rin nito ang mga natutunan bilang anak ng isang OFW

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Mula sa isang simpleng pamilya sa Pampanga si June, isang Project Manager. Apat silang magkakapatid, magsasaka ang kanilang ama at plain housewife ang ina.

Ngunit dahil sa mga kinakaharap na pagsubok sa buhay lalo pa at dalawa na silang nasa kolehiyo ng mga panahong iyon, nagdesisyon ang ina nila na subukan ang swerte sa dayuhang bayan.

Noong una ay ang parehong magulang ang naka-planong mangibang-bansa ngunit dahil sa isang pangyayari ay naiwan ang kanilang ama upang siyang mag-alaga sa kanilang magkakapatid.

Habang ang ginang naman ay natuloy maging overseas Filipino worker (OFW) sa Saipan bilang housekeeper sa isang hotel doon.

At dahil hindi pa uso ang cellphone o computer noon, maging ang tawag overseas ay mahal din, hindi ito naging madali para sa kanila.

Ayon kay June, nasa Maynila na siya noon para sa pag-aaral at naiwan sa kanila ang tatlo niyang kapatid kasama ang ama na ipinagpatuloy ang pagsasaka.

Pakiramdam daw niya ay ang mga ito ang sumapo ng husto sa pagkawala ng kanilang ina dahil ang mga ito ang naiwan sa bahay at naghati-hati sa mga gawain doon.

Ininda nila ng husto ang pagkawalay ng ina sa kanila.

Nagkaroon din daw ng mga pagtatalo ang kanilang mga magulang sa mga panahong magkalayo ang mga ito ngunit naging matibay pa rin ang mga ito.

Labi daw ang pagsasakripisyo ng ina para sa kanila dahil noong una ay tatlong taon itong hindi nakauwi sa Pinas. May mga panahong nakakauwi ito kapag holidays ngunit walang kasing-lungkot kapag aalis muli ito.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Tiniis ng kanilang ina ang sitwasyon hanggang umabot ng dalawampung taon sa ibang bansa.

Habang ang kanilang ama naman ay narito sa bansa kasama nila. Gigising ito ng alas-kwatro ng umaga upang ipagluto sila ng almusal bago pumunta sa sakahan.

Hindi rin nito pinabayaan na hindi sila makapag-enroll sa tamang oras kahit pa nga kinakailangan nito kung minsan ang ipangutang ang pagpapa-aral sa kanila.

Ito na umano ang naging buhay ng kanilang ama hanggang sa pumanaw ito noong 2009 dahil sa sakit na lung cancer.

Sa kasalukuyan ay retirado na ang kanilang ina at nananatili na ito sa Pampanga kasama ang asawa ng bunso nilang kapatid.

Si June ay nagtapos ng Mechanical engineer at ngayon nga ay isa ng Project Manager, kasal na siya at may dalawang anak.

Ang isa niyang kapatid ay isa ng CPA, ang isa naman ay isang guro at ang kanilang bunso ay isa ng Arkitekto sa ibang bansa.

Nais umano niyang ibahagi ang ilan sa mga natutunan niya bilang anak ng isang OFW. Isa na rito ay ang apgiging matatag, gamitin ang pagkawalay upang mas tumatag.

Para sa mga anak ng mga OFW, huwag kalimutang sabihin ang pagmamahal sa magulang. At huwag biguin ang mga ito pagdating sa pag-aaral.

Source: My Farrahdise

Anak ng magsasaka at OFW ipinagmalaki ang nakamit dahil sa sakripisyo ng magulang

Photo source: My Farrahdise
Source: Facebook

Anak ng magsasaka at OFW ipinagmalaki ang nakamit dahil sa sakripisyo ng magulang

Photo source: My Farrahdise
Source: Facebook

Anak ng magsasaka at OFW ipinagmalaki ang nakamit dahil sa sakripisyo ng magulang

Photo source: My Farrahdise
Source: Facebook

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Guess what, it's our special edition of the tricky questions challenge, in which you will find lots of Christmas songs and joyous laughter! Merry Christmas everyone from the whole HumanMeter team – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Pinay OFW sa Taiwan, binawian ng buhay dahil di umano sa puyat, pagod at stress sa trabaho

Pinay OFW sa Taiwan, binawian ng buhay dahil di umano sa sobrang pagtatrabaho

Pinay OFW sa Taiwan, binawian ng buhay dahil di umano sa puyat, pagod at stress sa trabaho
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel