PBB Otso Big 4, puro mga babae! First time ever raw ito sa sa Pinoy Big Brother

PBB Otso Big 4, puro mga babae! First time ever raw ito sa sa Pinoy Big Brother

- Viral na ngayon ang Pinoy Big Brother Otso's Big 4, at lahat sila ay puro mga babae, at tila first time ever daw itong nangyari

- Simula ng nag-umpisa ang sikat na Bahay ni Kuya sa PBB noong 2005, halo-halo ng mga babae at lalaki ang nagiging Big 4

- Pero ngayon, sa kauna-unahang pagkakataon, all-girls ang namayagpag sa PBB Otso Big 4 na kinabibilangan nina Kaori, Jelay, Lie, at Karina

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Pagkatapos ng sunod-sunod na mga drama, challenges, at mga bonding moments ng mga housemates sa Bahay ni Kuya sa Pinoy Big Brother: OTSO ay umabot na ang katapusan nito, at napili na ang opisyal na apat na housemates, ayon pa sa balita na nasagap ng KAMI.

Ani pa sa balita ng ABS-CBN News, kung saan una naming naispatan ang ulat na ito, noong Sabado, January 5, 2019, dalawa sa anim na mga housemates ang na-evict dahil sa mga boto ng mga manonood at tagasubaybay ng programa.

Pinanalo naman daw nina Kaori Oinuma at Jelay Pilones ang challenges na ibinigay sa kanila noong unang linggo, kaya nasecure nila ang kani-kanilang pwesto sa Big 4 o final four.

Habang sina Seth Fedelin, Reign Parani, Lie Reposposa, at Karina Bautista ay nakipaglaban sa isa't isa sa mga text votes.

Sa kasamang palad umano, sina Seth at Reign ang nakalikom ng pinakamababang numero ng text votes.

Kaya naman sina Lie at Karina ang nakakuha sa final two spots sa Big 4.

Sa January 13, Sunday, na malalaman ang bagong Big Winner ng Pinoy Big Brother , PBB:Otso, para sa edisyon na ito.

POPULAR: Read more news about PBB Otso here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

On another note, as we are still celebrating the holiday season together with our family and loved ones, our team has explored the streets, once again, to ask our fellow Pinoys on some fun, Christmas tricky questions.

Clearly, they had hilarious laughs on their faces, making this joyful season happier and more meaningful.

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Nadine Samonte flaunts beautiful baby bump in maternity shoot

Nadine Samonte flaunts beautiful baby bump in recent maternity shoot

Nadine Samonte flaunts beautiful baby bump in maternity shoot
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel