Lalaking nakapulot ng ₱500, di na maisauli sa may-ari, ginamit na lang sa kabutihan

Lalaking nakapulot ng ₱500, di na maisauli sa may-ari, ginamit na lang sa kabutihan

- Viral ang ginawa ng isang netizen kung saan nakapulot ng ₱500 na kanyang pinamili ng grocery

- Dahil sa di na ito maisauli sa may-ari, minabuti niyang gamitin ito sa mabuti

- Matapos ipamili ang pera ng grocery, pinamahagi niya ito sa mga taong nangangailangan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Agaw eksena ngayon sa social media ang ginawa ng netizen na si Marvin Tan Juan Pigalan kung saan nakapulot umano siya ng ₱500.

Ayon sa post mismo ni Marvin, dahil sa di na niya alam kung kanino isasauli ang perang napulot, naisip niyang gamitin na lamang ito sa paggawa ng mabuti.

Nalaman ng KAMI na naisipan ni Marvin na ipambili ito ng kaunting grocery na siyang ipamamahagi niya sa mga nangangailangan.

Sinabi pa niya sa kanyang post na kung sinuman ang nawalan ng pera, di na dapat ito mag-alala dahil napunta naman ito sa mabuting bagay.

Makikita rin na mga matatandang hirap na sa buhay ang nabiyayaan ng mga grocery ni Marvin. Kaunti man ngunit malaking tulong na ito sa mga nabigyan upang makakain sila ng maayos.

Maging ang mga netizens ay humanga sa ginawa na ito ni Marvin. Bibihira na raw kasi ang tao na ganito ang gagawin sakaling makapulot sila ng salapi na di na alam kung kanino isasauli.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Sana sa lahat ng nhuhulog na pera sa kalye..kaw nlng mkpulot...galing mo..u have a gold heart and brain"
"sana all. gling mo po."
"Salute you sir. Godbless"
"Wow galing mo naman, tama ang ginawa mo. Nakatulong siya at nakatulong ka rin"
"i post man o hndi ang mhalaga nkatulong tau sa kapwa at hgit sa lahat c God ang nkkaalam sa bwat bgay n ginagawa natin sa iba"

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Can't get over with the latest Chambe dance challenge? KAMI tried it with a low-budget version but still with a bang!

Chambe Hit Song - Our Low-Budget Version | HumanMeter on KAMI YouTube channel

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica