Feng shui experts may nakakawindang na mga hula para sa mga Kapamilya stars!

Feng shui experts may nakakawindang na mga hula para sa mga Kapamilya stars!

- Sa last Sunday, January 6, 2019, episode ng Rated K sa Kapamilya network ay nagbigay ng kanilang mga predictions ang mga feng shui experts na una na ring nanghula noong taon

- Bukod pa sa kanilang mga hula tungkol sa mangyayari sa 2019, nagbigay rin sila ng mga prediksyon sa mga Kapamilya stars

- Dito binanggit nila ang mga pangalan nina Kathryn Bernardo, Daniel Padilla, Enrique Gil, Jadine, Mayward, at Coco Martin

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

January 6, 2019, Sunday episode ng Rated K sa ABS-CBN News ay pinag-usapan ang mga posibleng mangyari sa taong ito, ayon pa sa mga prediksyon ng feng shui experts.

Isa sa mga binigyan nila ng hula ay ang mga Kapamilya stars gaya na lang ng Teen Queen at King of Hearts na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, na naispatan ng KAMI.

Si Kathryn Bernardo ay hinulaan na pwede daw mabuntis habang pinag-iingat naman nila ang boyfriend nito na si Daniel Padilla dahil sa diumano'y posibleng nakaabang na aksidente sa taong ito.

Ani pa ng feng shui expert na si Master Thomas Leang:

"May isang artista na nakikita namin na may chance na puwedeng mabuntis ngayong taon na ito, si Kathryn Bernardo."

Saad naman ng Numerologist na si Master Ang:

"Si Daniel medyo mag-iingat lang kasi Year of the Pig siya. Puno ng challenge. Malapit si Daniel sa accident itong taon na it."

Maliban pa sa magkasintahang Kathryn at Daniel ay pinag-iingat rin daw ang aktor na si Enrique Gil sa kanyang kalusugan.

At posible rin daw na ang lead star ng Kapamilya hit TV series na FPJ's Ang Probinsyano na si Coco Martin ay posible rin raw na magkakaroon ng isang anak na lalaki, sa hula ni Master Hanz Cua.

Para naman daw sa loveteam na Jadine, James Reid at Nadine Lustre, at MayWard, Maymay Entrata at Edward Barber ay magiging maswerte raw sila sa taong ito.

Sambit pa ni Master Ang:

"Ipinanganak si Maymay sa panahon ng Year of the Ox, mas magiging maganda ang taon ni Maymay ngayong taon. Si Edward naman ipinanganak ng Dragon, lahat nang ipinanganak ng Dragon ngayong taon na ito, bongga ang magiging taon nila sobrang ganda."

Dugtong naman ni Master Hanze para kay Nadine Lustre:

"Mas maganda ang pagpasok ng chart ng stars kay Nadine, marami siyang success at siya ang possible na magdala sa kanilang love team. This year mas marami siyang project and endorsement na lalabas sa month of March, June, September and December."

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

On another note, as we are still celebrating the holiday season together with our family and loved ones, our team has explored the streets, once again, to ask our fellow Pinoys on some fun, Christmas tricky questions.

Clearly, they had hilarious laughs on their faces, making this joyful season happier and more meaningful.

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Giyera na 'to! Kris Aquino releases official statement of lawyers after Gretchen Barretto's IG stunt

Kris Aquino's lawyers respond to Gretchen Barretto's allegations

Giyera na 'to! Kris Aquino releases official statement of lawyers after Gretchen Barretto's IG stunt
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel