Lalaking nasa sidewalk, patay nang tamaan ng nag-crash na helicopter

Lalaking nasa sidewalk, patay nang tamaan ng nag-crash na helicopter

-Patay ang isang 42-anyos na lalaki sa Brazil nang tamaan ito ng nag-crash na helicopter sa lugar kung nasaan siya mismo

-Sa sidewalk na umano ito naglalakad upang makaiwas sa mga nagdaraang sasakyan sa lugar

-Nagdurusa naman ang kanyang ama na kasama niya pang nagkape bago ang aksidente

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nasawi ang lalaking kinilalang si Alessandro Correia Leite, 42 taong gulang sa Brazil matapos itong tamaan ng nag-crash na helicopter.

Ayon sa ulat, naglalakad noong mga oras na iyon sa isang sidewalk si Leite upang makaiwas sana sa mga nagdaraang mga sasakyan sa lugar.

Ngunit sa 'di inaasahang pagkakataon isang helicopter na may sakay na mag-asawa at isang piloto para mag-sight-seeing.

Ngunit kaka-take off pa lamang nito nang magkaroon ng problema at kinailangang mag-emergency landing ang mga ito.

Nakaligtas ang mga sakay ng helicopter at nagtamo lang ng mga minor injuries ngunit minalas naman si Leite na direktang tinamaan umano ng helicopter.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Dead on the spot ang biktima.

Nagdadalamhati naman ang ama nito na kasama pa umano nito bago naganap ang insidente.

“I just drank coffee with my son. He left and I entered the room to rest. ” sabi ng ama ng biktima. "I suddenly heard a loud crash, and the shout of my another son."

Samantala, ayon sa ulat, patuloy pa rin ang imbestigasyon sa insidente. Tumanggi naman ang mga awtoridad na magbigay ng impormasyon kaugnay sa dahilan ng pag-crash ng helicopter.

Source: Daily Mail, Feedy TV, Youtube, Yahoo

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Guess what, it's our special edition of the tricky questions challenge, in which you will find lots of Christmas songs and joyous laughter! Merry Christmas everyone from the whole HumanMeter team – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
British man spends P5.2 million to look like Jimin of K-pop group BTS

British man spends P5.2 million to look like his K-pop idol Jimin of BTS

British man spends P5.2 million to look like his K-pop idol Jimin of BTS
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel