Paring nagmimisa, narinig pang nagmakaawa ang babaeng napatay ng mister nito

Paring nagmimisa, narinig pang nagmakaawa ang babaeng napatay ng mister nito

- Isang misis ang walang awang binaril ng kanyang mister sa labas lang ng simbahan sa Catarman, Camiguin

- Dinig pa umano ng pari kung paanong nagmakaawa ang misis na huwag ituloy ang pagkalabit ng baril ng mister na nakatutok na sa kanyang ulo

- Sinikap ng pari na ipagpatuloy ang seremonya upang pakalmahin na rin ang mga taong nasa loob ng simbahan kahit pa nakahandusay na ang mga labi ng nabaril

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nabulabog ang misa noong January 6 sa Catarman, Camiguin nang sinadya umano ng isang lalaki nang puntahan mismo nito ang kanyang misis na noon ay nagsisimba.

Ayon sa Rappler, nakilala ang mister na si Celmar Linao na binaril ang asawang nasa simbahan bago niya itutok ang baril sa kanyang ulo at siya namang nagpakamatay.

Nalaman ng KAMI na sinubukan pa umano ni Linao na paputukin ang baril nang apat na beses bago niya tuluyang mabaril ang misis.

Gulat na gulat naman ang mga nagsisimba dahil sa kitang kita nila kung paano patayin ng lalaki ang kanyang asawa.

Narinig ng pari maging ng mga sumisimba kung paano nagmakaawa ang babae na huwag nang ituloy ni "Boy" ang pagputok ng baril na nakatutok na sa kanya.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ayon kay Municipal Executive Senior Police Officer 4 Benhur Morgadez dumulog na ang misis na nakilalang si Ivy sa kanilang tanggapan dahil umano sa pagbabantang ginagawa ni Celmar sa kanya noon pang mismong araw ng pasko.

Selos ang tinitingnang anggulo ng pamamaril kahit na naghiwalay na ang dalawa noon pang nakaraang taon.

Kasama ni Ivy ang kanilang bunsong anak kaya di ito agad nakatakas sa asawa.

Nagtamo siya ng tama sa kaliwang pulso na nakatakip sa kanyang ulo ngunit tinagusan pa rin ito ng bala.

Samantala maging si Celmar ay nagtamo ng tama sa kanyang ulo matapos nitong pataying si Ivy.

Pinagpatuloy pa rin ng pari ang misa sa kabila ng sitwasyon upang pakalmahin na rin ang mga tao sa simbahan.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Can't get over with the latest Chambe dance challenge? KAMI tried it with a low-budget version but still with a bang!

Chambe Hit Song - Our Low-Budget Version | HumanMeter on KAMI YouTube channel

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica