Magandang opportunity! Germany, nangangailangan ng 400 Pinoy nurse

Magandang opportunity! Germany, nangangailangan ng 400 Pinoy nurse

- Nangangailangan ang Germany ng 400 Pinoy nurse

- Nasa higit P100,000 ang sweldo kada buwan at maaari pa itong tumaas

- Tatanggap sila ng aplikante hanggang sa February 28

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nasa 400 Pinoy nurse ang kailangan ng Germany sa ngayon. Nalaman ng KAMI na tumatanggap na ng aplikasyon ang Philippine Overseas Employment Administration (POEA) para sa trabahong ito.

Ang joint initiative ng POEA at German Federal Employment Agency ay tatanggap ng aplikante upang ipadala sa Germany sa ilalim ng kanilang Triple Win Project. Ang mga matatanggap ay kikita ng €1,900 (P113,000) na pwede pang tumaas sa € 2,300 (P137,000) ayon sa balita ng ABS-CBN News.

Ang mga hinahanap nilang aplikante ay:

  • Filipino citizen
  • Permantent residente ng Pilipinas
  • Babae o lalaki
  • Graduate ng Bachelor of Science in Nursing
  • May 2 years professional bedside experience sa ospital, care institution o rehabilitation center
  • May German language proficiency o handang dumaan sa language training na bayad ng employer

Ang mga aplikante ay kakaialnganin ding pumunta sa language class sa Abril at Mayo ngayong taon o kaya naman ay may B1 o B2 Language Proficiency Level sa Common European Framework of Reference for Languages.

Narito naman ang mga documents na kailangan na dapat ay naka-fasten sa isang folder:

  • Cover letter at curriculum vitae na mayroong colored passport size picture
  • High School Diploma (notarized copy)
  • Nursing Diploma (notarized copy)
  • Board Certificate at kopya ng lisensya mula sa Professional Regulation Commission
  • Certificate of employment in related field (previous and current, notarized copy)
  • Attendance at/o level certificate sa German language, kung mayroon
  • Kopya ng valid passport
  • Certificate ng POEA online Pre-employment Orientation Seminar

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Gayunpaman, kailangan pa ring ipakita ang orihinal na mga dokumento para sa authentication ng mga impormasyon. Ang mga aplikante ay dapat ding magparehistro sa www.eservices.poea.gov.ph at personal na mag-submit ng mga dokumento sa sa Manpower Registry Division, Blas F. Ople Building sa Mandaluyong.

Hanggang February 28 pwede mag-submit ng requirements at ang interview naman ay gagawin sa Marso.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Guess what, it's our special edition of the tricky questions challenge, in which you will find lots of Christmas songs and joyous laughter! Merry Christmas everyone from the whole HumanMeter team – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
NBI reveals details about text messages between Christine Silawan & boyfriend

Details regarding text messages between Christine Silawan & boyfriend get revealed

NBI reveals details about text messages between Christine Silawan & boyfriend
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel