Cellphone na nawala sa loob ng 7 buwan, naibalik pa umano sa may-ari

Cellphone na nawala sa loob ng 7 buwan, naibalik pa umano sa may-ari

- Di na umaasa pa si Cha Buenconsejo na maibabalik pa sa kanya ang iPhone niya na nawala, pitong taon na ang lumipas

- Sinalaysay ni Cha kung paano pa ito naibalik at halos di siya makapaniwala

- Nag-viral ang naturang post at napaniwala ang nakararaming may mga tao pang may malasakit sa kanilang kapwa at nakagagawa pa rin ng kabutihan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nag-viral ang post ng netizen na si Cha Buenconsejo kung saan sinalaysay niya kung paano naibalik pa sa kanya ang nawala niyang iPhone.

Pitong buwan na kasi ang lumipas nang maiwan ni Cha ang mamahaling cellphone sa "Uber". Naniniwala rin siya na kapag ang bagay na nawala at di na naisauli sa loob ng dalawang araw at di na muling maibabalik pa.

Kaya naman di makapaniwala si Cha nang makatanggap siya ng text na nagsasabing maisasauli na sa kanya ang kanyang cellphone.

Aminado si Cha na sa una ay nagduda pa siya kung sisiputin ba niya ang nakapulot di umano ng kanyang cellphone na sa tagal at napapaisip din siya kung totoo nga ba ang natanggap na text.

Isa pa, isang lalaki ang nakapulot ng kanyang iPhone dahilan para siya ay magdalawang isip.

Ngunit, sa pakikipagpalitan nito ng text sa kanya na may "God Bless" sa huli, nakumbinsi si Cha na totoong maibabalik nga sa kanya ang mahalagang gamit.

Humingi pa umanp ng paumanhin ang nakapulot ng mamahaling cellphone dahil kinailangan pa niyang bumili ng charger nito upang mabuksan ang noo'y lowbat na na telepono upang makakuha ng detalye tungkol sa may-ari nito.

Doon mas lumakas ang kumpiyansa ni Cha na mabuting tao ang nakapulot ng kanyang iPhone.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Bumiyahe pa raw mula Bulacan ang lalaki na di rin tinanggap ang munting pabuya ni Cha. Ngunit dahil sa may kalayuan ang binyahe nito, pinagpilitan ni Cha na tanggapin kahit ang pampamasahe manlang ng lalaki.

Labis na humanga ang mga netizens sa katapatang pinakita ng lalaki. Natagalan man ang pagsasauli, buong puso pa rin niya itong naibalik sa may-ari.

Narito ang ilang komento ng mga netizens:

"OMG wow. I'm amazed."
"Mabuti talaga ang dios,dahil marami pa ang may mabuting puso,7month,nawawala,muling nabalik,ano pang himala ang hinahanap mo?walang imposible sa dios"
"Kudos to that honest guy .. god bless !"
"Sana lahat. UN akin ayon. Wala na... salute kay kuya..."
"Ayaw pa niya tanggapin yung pabuya... mabait nga!"

Umabot na sa 145k na reaksyon ang naturang post, 15k na komento at 45k na shares.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Can't get over with the latest Chambe dance challenge? KAMI tried it with a low-budget version but still with a bang!

Chambe Hit Song - Our Low-Budget Version | HumanMeter on KAMI YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Gretchen and Claudine divulged they're not invited to their niece Dani's wedding

Gretchen and Claudine reveal they're not invited to Dani Barretto's wedding

Gretchen and Claudine reveal they're not invited to Dani Barretto's wedding
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel