Puno na siya! Ate girl, 'di napigil ang emosyon, binunyag pananakit umano ni ex

Puno na siya! Ate girl, 'di napigil ang emosyon, binunyag pananakit umano ni ex

-Hindi na napigil ng isang netizen ang kanyang hinanakit at hinaing sa kanyang ex-boyfriend

-Ayon sa babae, pinapalabas pa umano ng kanyang dating nobyo na ito ang agrabyado

-Kaya naman si ate girl, binunyag na ang pananakit sa kanya ng kanyang ex sa emosyonal at pisikal na aspeto

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Hindi na nagpaawat ang netizen na si Jukes Zarandin at ibinunyag na ang ayon dito'y 'katotohanan' sa kanilang relasyon ng dating nobyo.

Sa pamamagitan ng isang facebook post, ibinahagi nito ang kanyang side sa publiko.

Ayonsa unang bahagi ng kanyang FB post:

"Hindi pwedeng ikaw lang ang victim sa story mo, Keith. So I’m stepping down to your level. I’m going to show them the real story and how you treated me."

Hiwalay na sila nito ngunit ilang beses na rin daw itong nakikipagbalikan sa kanya. Ngunit sa kabila ng mga pangako ng lalaki, ilang beses ding nawasak ang kanyang puso.

Sa isang bahagi ng kanyang facebook post, ipinakita pa ni Zarandin ang isa sa mga conversataion ng es sa isang babae sa socila media, isang oras pagkatapos nito umanong makiusap na balikan niya.

Sabi pa nito, kahit pa nga maraming beses na niyang sinubukang ilayo ang atensyon sa lalaki at makipag-kaibigan sa iba, hindi raw sumasang-ayon dito ang dating nobyo.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sa kanyang post, ibinahagi rin nito ang pananakit sa kanya ng ex-boyfriend. May mga pagkakataon pa umanong sinaktan sinipa siya nito sa mukha.

Nagbahagi rin ng mga larawan si Zarandin sa kanyang post kung saan ipinakita nito ang mga tinamong pasa mula sa pananakit umano ng kanyang nobyo.

Ayon dito, may pagkakataong hindi na siya lumaban dahil daw nagbaka-sakali siya na kapag nakita siya nitong nakahiga sa sahig ay mabuksan ang isipan nito.

Sa huli, nagbigay ng payo si Zarandin sa mga netizens na huwag pumayag kung sasaktan ng mga taong minamahal. Aniya, bigyang halaga ang pag-aalaga ng mga magulang at huwag payagang masaktan ninuman.

Bukas po ang KAMI sa panig ng lalaki na tinutukoy ng netizens sa kanyang post.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Guess what, it's our special edition of the tricky questions challenge, in which you will find lots of Christmas songs and joyous laughter! Merry Christmas everyone from the whole HumanMeter team – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
DOTA player, topnotcher sa Medtech board exams na nakakuha ng 91.10% rating

DOTA player, topnotcher sa Medtech board exams na nakakuha ng 91.10% rating

DOTA player, topnotcher sa Medtech board exams na nakakuha ng 91.10% rating
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel