No standing policy, no problem! Mga pasahero, nag-viral dahil humiga sa bus

No standing policy, no problem! Mga pasahero, nag-viral dahil humiga sa bus

- Nag-viral sa social media ang picture kung saan nakahiga sa gitna ng bus ang mga pasahero

- Mahigpit kasing ipinapatupad ang No Standing Policy o No Overloading Policy sa Cebu City

- Kaya naman, kanya-kanyang paraan ang mga pasahero upang makalusot at makasakay dito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News

Kumalat sa social media ang litratong nakahiga sa aisle ng bus ang mga pasahero nito. Nalaman ng KAMI na mahigpit na ipinapatupad ang “No Standing Policy” sa Cebu City, kaya naman pinili na lang mahiga ng mga pasahero rito.

Ayon sa ulat ng Cebu News Daily, hindi pwede tumanggap ng standing na pasahero ang mga bus operators. Kapag nilabag nila ito ay magbabayad sila ng P5,000 na multa.

Subalit, hindi naging hadlang ito para sa ibang mga pasahero. Kita sa litratong kuha ng Facebook user na si Lyndon Placencia na nakahiga na ang mga pasahero sa sahig ng bus. Giit ni Placencia ay aaalis ng 9:30 PM ang bus mula Cebu North Bus Terminal at sa hating gabi pa ang next trip dito.

Bagamat sinabihan ng kundoktor na puno na ang bus ay pinilit pa rin ng mga pasahero na sumakay dito. Pinayagan naman sila ng kundoktor at pinaupo sa stool o “extension” para sa bus umupo.

Dahil na rin daw siguro sa pagod kaya humiga ang mga pasahero sa sahig ng bus noong nagkaroon sila ng break at naghintay sa Hagnaya port. Bumaba umano ang kundoktor sa bus at pagbalik nito sa loob ay tulog na ang mga pasahero sa gitna.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Nagsagawa naman ng imbestigasyon ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB-7) sa nangyaring ito. Giit nila, hindi naman daw lumabag sa anumang policy ang bus operator at hindi rin ito nag-overload.

“We found out that when the photo was taken, the bus was not moving actually. It was already on standby in Hagnaya Port in San Remigio, and was waiting for the ferry to dock to take it to Bantayan Island,” giit ni Eduardo Montealto Jr., director ng LTFRB-7.

“It just so happens the passengers seen lying down, who were foreigners, opted to because they were waiting for the ferry to arrive. Both parties’ claims actually coincided,” dagdag niya pa.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

This video features tricky yet quirky questions for Christmas, in which you will find a lot of Christmas singing and joyous laughing! This Christmas edition of Tricky Question is hilarious and it will definitely put a smile on your face! Check out our videos – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
K Brosas fumes in anger after seller used Chokoleit's photos to promote product

K Brosas fumes in anger after seller used Chokoleit's photos to promote product

K Brosas fumes in anger after seller used Chokoleit's pictures to promote product
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel