Nicko Falcis ibinuking ang diumano'y milyones na hindi pa nakokolekta mula kay Kris Aquino

Nicko Falcis ibinuking ang diumano'y milyones na hindi pa nakokolekta mula kay Kris Aquino

- Kasabay ng pagbasag ng kanyang pananahimik ay ibinunyag din ni Nicardo Francis ang ilang mga pasabog

- Ayon sa kanya, ginusto daw ni Kris Aquino na maging full-time employee si Nicko nang nagsimula pa itong magtrabaho para sa kanya

- Ibinunyag din niya na umabot na ng 20 milyon ang dapat niya pang kolektahin kay Kris mula sa mga komisyon niyang hindi pa diumano nababayaran

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Matapos ang matagal na pananahimik, ibinunyag ni Nicko Falcis ang kanyang bersiyon ng kuwento tungkol sa diumano ay totoong nangyari sa kanila.

Tinanggihan umano ni Nicko ang alok ni Kris Aquino na maging full time ito sa pagtatarabaho sa kanya dahil diumano sa mga responsibilidad niya sa kanyang pamilya.

“At the outset, Aquino and I did not have a written contract covering her engagement of my services as her talent agent.

“Our agreement was oral but as binding as if it had been reduced to writing.”

Base naman diumano sa kanilang kontrata, binabayaran daw siya ni Kris ng commission sa talent-agent rate na 12 percent. Ito ay sa bawat naisasarang contract ni Nicko.

Ayon din sa ulat ng PEP, base raw sa record ni Nicko, mayroon pa siyang hindi nakokolektang komisyon mula kay Kris, hanggang sa August 2018, na nagkakahalaga ng PHP800,000.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

May mga hindi pa rin daw nababayarang komisyong nakatakdang dumating sa katapusan ng September 2018. Umabot umano sa 20 milyon ang hindi pa niya nakokolektang pera mula kay Kris.

Matatandaang pumutok ang balita tungkol sa isang diumano ay pinagkatiwalaang tao ni Kris Aquino na nanloko sa kanya nitong nakaraang taon. Hindi nagtagal ay pinangalanan ni Kris ang taong tinutukoy.

Si Kris Aquino ay anak ng pumanaw na dating Pangulong Cory Aquino. Tatay naman niya ang pumanaw na rin na dating Senator Ninoy Aquino.

Kapatid naman siya ng former President Noynoy Aquino, ang pangulo ng Pilipinas bago si President Rodrigo Duterte.

Ang “Queen of All Media” ay may anak kay Philip Salvador na si Josh at anak kay James Yap na si Bimby.

Ayon sa naunang ulat na KAMI, inalmahan at pinabulaanan ni Nicko ang mga kasong sinampa ni Kris laban sa kanya.

POPULAR: Read more about Kris Aquino here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Christmas Edition Of Tricky Questions | HumanMeter

Philippines social experiment: can you answer these tricky questions?

Being one of the most in demand video from human meter, here is Christmas Edition Of Tricky Questions.

Click “Play” and find out answers from these individuals.

Source: Kami.com.ph

Related news
Mr. Sankai’s hilarious video greeting for son Fumiya goes viral

Fumiya receives hilarious video greeting from his father in Japan

Mr. Sankai’s hilarious video greeting for son Fumiya goes viral
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel