Nicko Falcis, bumuwelta sa isinampang reklamo laban sa kanya ni Kris Aquino

Nicko Falcis, bumuwelta sa isinampang reklamo laban sa kanya ni Kris Aquino

- Sa una-unahang pagkakataon ay binasag ni Nicko Falcis ang kanyang pananahimik

- Tinawag nitong “false, baseless and malicious and kasong isinampa ni Kris Aquino laban sa kanya

- Ito ay kaugnay sa Qualified Theft at Violation of Republic Act No. 8484 na isinampa ni Kris

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Pinabulaanan ni Nicardo M. Falcis II ang mga alegasyon Kristina Bernadette C. Aquino kung saan sinampahan siya ng kaso nitong nakaraang taon. Ayon pa kay Nicko, “false, baseless and malicious” ang reklamo laban sa kanya.

Sagot ito sa mga inihain ng multimedia star na complaints ng Qualified Theft at Violation of Republic Act No. 8484 laban kay Nicko.

Naghain ng reklamo si Kris laban sa dating empleyado noong October 12, 2018.

Kauuwi lamang ni Nicko mula sa ibang bansa nitong Disyembre.

Diin ni Falcis, walang katotohanan ang mga paratang sa kanya.

“With as much integrity as truth, I vehemently deny and refute all of her allegations against me as set forth in her Complaint-Affidavit because her allegations are false, baseless and malicious.

Inosente diumano siya sa mga paratang sa kanya.

“I am innocent of the charges which Aquino has filed against me.”

Wala din dawbasehan ang mga alegasyon sa kanya ni Kris.

"I would like to emphasize that Aquino's allegations against me are false and without basis.

Binuking din niyang parte lamang iyon lahat ng paraan ni Kris upang mapasunod diumano siya sa mga gustong mangyari ng TV host.

"The case she filed against me are but a part of her scheme to coerce me into involuntarily submitting to her will and complying with her unreasonable demands, including that I and members of my family execute the documents she intended for our signatures.

Pinagtangkaan pa daw siyang papatayinpag bumalik siya sa bansa dahil sa hindi niya diumano pagsunod sa mga gusto nito.

"She threatened to kill me if I return to the Philipines, destroyed my good name and reputation, and caused me and my family great hardship."

Nilinaw ni Nicko na ginamit niya ang credit card upang bayaran ang mga gastusing may kinalaman sa KCAP.

Lahat daw ng transaksiyon ay alam at aprubado ni Kris.

“All items charged to the credit card were KCA expenses which Aquino was well aware of and approved of.

“All those items were supported by receipts and properly recorded, with an explanation of each expense, in order to establish an audit trail, for Aquino’s and her accountants’ review.”

Wala naman daw sinabing limit sa paggamit niya ng nasabing credit card. “Aquino never imposed any limitation or restriction on my use of the credit card.

“As the credit card statements show, the expenses for which I paid with the use of the credit card generated positive results for Aquino.”

Nakasaad din sa kanyang affidavit ang pangyayari na sa tingin niya ay naging sanhi ng pagsampa sa kanya ng kaso.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

“keep quiet and involuntarily accede to her unilateral termination of our agency agreement ang business arrangements, and to her unreasonable demands;

“fully cooperate with her ‘media plan’ to protect her public image and reputation," na ayon kay Nicko, ay paraan ni Kris upang sirain ang kanyang pangalan, sakaling maglabas siya ng anumang impormasyon tungkol sa personal na buhay at financial dealings ng aktres.

Kinuwestiyon din daw ni Kris ang paggamit ni Nicko ng credit card nang kumain sila sa mga restaurant sa Hong Kong.

Idiniin ni Nicko na kabilang sa mga kumain sa mga restaurant ay si Kris mismo, ang dalawang anak nito, at ang iba pang kasama sa entourage ng web star.

“It appears also that she was not at all sincere about the credit charges as she did not even ask me to pay her for the cost of the expenses which she said were unauthorized.” dagdag pa ni Nicko.

Ayon pa sa ulat ng Pep, alinsunod pa raw sa kagustuhan ni Kris, lumipad si Nicko papuntang Bangkok, Thailand. Nag-enroll siya sa isang short course na mangangailangan ng kanyang 100-percent focus at attention.

Ibinahagi din nito ang diumano'y threat sa kanyang buhay.

“I wept. I was afraid for myself but more for my widowed elderly mother and my siblings who remained in the Philippines.”

Ayon pa sa kanya, may access si Kris sa mga detalye tungkol sa kanyang biyahe kahit sa ibang bansa dahil na rin sa koneksiyon nito.

“Aquino has sufficiently proven to me that she wields great power and has powerful friends, that she can easily violate my right to privacy of my travel records, and that she can track me down.”

Matatandaang pumutok ang balita tungkol sa isang diumano ay pinagkatiwalaang tao ni Kris Aquino na nanloko sa kanya nitong nakaraang taon. Hindi nagtagal ay pinangalanan ni Kris ang taong tinutukoy.

Si Kris Aquino ay anak ng pumanaw na dating Pangulong Cory Aquino. Tatay naman niya ang pumanaw na rin na dating Senator Ninoy Aquino.

Kapatid naman siya ng former President Noynoy Aquino, ang pangulo ng Pilipinas bago si President Rodrigo Duterte.

Ang “Queen of All Media” ay may anak kay Philip Salvador na si Josh at anak kay James Yap na si Bimby.

POPULAR: Read more about Kris Aquino here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Christmas Edition Of Tricky Questions | HumanMeter

Philippines social experiment: can you answer these tricky questions?

Being one of the most in demand video from human meter, here is Christmas Edition Of Tricky Questions.

Click “Play” and find out answers from these individuals.

Source: Kami.com.ph

Related news
Kris Aquino, nagbigay ng huling update sa kaso niya laban kay Nicko Falcis

Kris Aquino, nagbigay ng huling update tungkol sa kaso niya laban kay Nicko Falcis

Kris Aquino, nagbigay ng huling update sa kaso niya laban kay Nicko Falcis
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel