KC Concepcion, napa-senti bigla dahil sa LDR affair nila ng French beau

KC Concepcion, napa-senti bigla dahil sa LDR affair nila ng French beau

- Tila biglang napa-senti ang magandang si KC Concepcion dahil mukhang bumalik na ang French beau niya sa bansa nito, ayon na rin sa last post nito

- Sa isang post niya sa kanyang social media account ay nagbahagi siya ng isang larawan nila ni Pierre Emmanuel Plassart sa Tagaytay

- Dito ay parang ramdam na ramdam ni KC ang pagkamiss na niya sa gwapong boyfriend at naparelate sa mga netizens na nasa long distance relationship

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Marami na tayong naririnig tungkol sa magsing-irog na nasa long distance love affair o mas kilala sa tawag na LDR, at tila ito yata ang sitwasyon ngayon ni KC Concepcion, na mukhang biglang napa-senti bigla sa kanyang post, na naispatan ng KAMI sa kanyang IG.

Ang pinag-uusapang post ni KC ay ang larawan nila ng French beau na si Pierre Emmanuel Plassart, noong namasyal sila sa Tagaytay, kamakailan lang.

Sa naturang larawan, makikita ang lutang na lutang na blooming na blooming at happily in love ang beautiful pair.

Nilagyan ito ni KC ng caption.

Ani pa niya:

"This long distance relationship isn’t the easiest but somehow with you I know I’m safe. Had a lovely time with you as always, mon amour!"

Dinugtungan pa niya ng isang tanong para sa kanyang milyon-milyong mga followers.

"Is anyone here in an #LDR atm? How do YOU keep your love alive?"

2 hours ago ito pinost ni KC, as of writing.

Tila pabalik na sa France si Pierre, ayon na rin sa last post nito sa kanyang IG.

Saad ni Pierre sa caption ng larawan ng mga libro na bigay ng mag-asawang Joy at Gian Sotto, na pinost niya 4 hours ago, as of writing.

"Airplane read. Thank you for the thoughtful gift @joywsotto & @giansotto"

Unang pinakilala ni KC Concepcion sa pamamagitan ng kanyang Instagram ang French beau na si Pierre Emmanuel Plassart noong August last year, 2018.

Kaya naman kamakailan din ay isa si Pierre sa kanyang best gift para sa nakaraang taon.

POPULAR: Read more news about KC Concepcion here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

On another note, as we are still celebrating the holiday season together with our family and loved ones, our team has explored the streets, once again, to ask our fellow Pinoys on some fun, Christmas tricky questions.

Clearly, they had hilarious laughs on their faces, making this joyful season happier and more meaningful.

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Kris Aquino, nagbigay ng huling update sa kaso niya laban kay Nicko Falcis

Kris Aquino, nagbigay ng huling update tungkol sa kaso niya laban kay Nicko Falcis

Kris Aquino, nagbigay ng huling update sa kaso niya laban kay Nicko Falcis
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel