Kris Aquino at Bimby, nagpa-block screening sa movie nina Alex at Toni Gonzaga

Kris Aquino at Bimby, nagpa-block screening sa movie nina Alex at Toni Gonzaga

- Hindi naman talaga matatawaran ang pagkakaibigan ng Queen of All Media at ang kanyang dating The Buzz co-host at inaanak sa kasal na si Toni Gonzaga

- At ang pagkakaibigan sa pamilya nila ay lalong lumakas at pinagtibay sa pagkakaibigan nina Bimby at Alex Gonzaga

- Kaya naman, nagpa-block screening na naman ang mag-ina sa mag-sissums sa kanilang MMFF 2018 movie entry ang Mary, Marry Me

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Gaya na rin ng unang pangako ng Queen of All Media at social media personality na si Kris Aquino ay magpapa-block screening ang kanyang anak na si Bimby sa pelikula ng showbiz royalty sisters at superstars Alex Gonzaga at Toni Gonzaga.

Kani-kanina lang ay nagpost si Kris ng mga larawan, na naispatan ng KAMI, sa kanyang Instagram page, kung saan makikita si Bimby kasama ang mag-sissums na sina Alex at Toni Gonzaga.

Naglagay pa ng isang mahaba at napaka heartwarming caption si Kris tungkol sa kanyang mga inaanak na sina Toni Gonzaga at Paul Soriano, at pati na rin si Alex Gonzaga.

Ani ni Kris sa kanyang caption:

"@celestinegonzaga & direk @paulsoriano1017 are my wedding inaanaks and we have managed to remain in communication regardless of life changes and i fervently pray that God will bless me with good enough health that i may shoot direk paul’s horror movie because the storyline they gave me is 1 of the best i’ve ever read."

Dugtong pa niya:

"@cathygonzaga is bimb’s tita cathy. i’m so grateful to her because since 2014 when they worked together in Praybeyt Benjamin- she has remained bimb’s kakulitan and true friend. My heart overflows with happiness that my bunso was able to share the experience of watching Mary, Marry Me with many smiling faces. "

Nagpaliwanag naman si Kris kung bakit hindi siya present sa naturang block screening, na una na niyang sinabi sa mga naunang post niya.

Habang ibinabahagi niya ang naturang post ay may shooting siya ng bagong iniindorso na produkto.

May napaka sweet na message naman na sinabi si Kris sa ika-apat na bahagi ng naturang slide show.

"Friends are the family we choose for ourselves"

Napa comment naman si Alex sa post ng:

"Thank you ate!!!! Love bimby foreva!!!"

At sinagot naman ni Kris ng:

"@cathygonzaga i think he loves you more."

Si Kris Aquino ay isa na ngayon sa sikat na social media personality at kahit hindi naman aktibo sa showbiz ay marami pa ring mga endorsements siya na ginagawa.

Ang pelikula nina Alex at Toni Gonzaga na Mary, Marry Me ay ang Metro Manila Film Feast entry nila sa taong 2018.

POPULAR: Read more news about Kris Aquino here, Alex Gonzaga, and Toni Gonzaga here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

On another note, as we are still celebrating the holiday season together with our family and loved ones, our team has explored the streets, once again, to ask our fellow Pinoys on some fun, Christmas tricky questions.

Clearly, they had hilarious laughs on their faces, making this joyful season happier and more meaningful.

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Mr. Sankai’s hilarious video greeting for son Fumiya goes viral

Fumiya receives hilarious video greeting from his father in Japan

Mr. Sankai’s hilarious video greeting for son Fumiya goes viral
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel