Pumapag-ibig raw ang rumored couple na sina Rayver Cruz at Janine Gutierrez sa kanilang bakasyon abroad

Pumapag-ibig raw ang rumored couple na sina Rayver Cruz at Janine Gutierrez sa kanilang bakasyon abroad

- Usap-usapan ngayona ng mga kuhang larawan ng rumored showbiz couple at royalty scions na sina Rayver Cruz at Janine Gutierrez

- Ito ay dahil sa kanilang mga snaps habang nagbabakasyon sa Los Angeles, California, noong nakaraang Kapaskuhan

- Ang parehong 29 years old na rumored couple ay tila pumapag-ibig umano sa kanilang mga kuhang litrato habang namamasyal sa naturang lugar

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sa balita na nasagap ng KAMI, magkasama pala ang rumored showbiz couple na sina Rayver Cruz at Janine Gutierrez last Christmas season sa Los Angeles, California.

Ang parehong 29 years old Kapuso stars ay makikitang masaya sa kanilang bakasyon sa Amerika, ani pa sa ulat ng PEP.

Nagbahagi naman ng mga larawan ang dalawa sa kani-kanilang Instagram accounts.

Sa katunayan, noong Huwebes ng gabi, January 3, 2019, ibinahagi ni Rayver Cruz ang larawan nila ni Janine Gutierrez na mukhang masaya sa kanilang bakasyon

Ani pa ng Kapuso star sa kanyang caption:

"Forever young...2019"

Tila aprubado naman daw ito ng kapatid ni Rayver na si Rodjun Cruz kasama na rin ang iba pang mga celebrities gaya nina Dianne Medina, Jason Abalos, Kris Bernal, Kyline Alcantara, at Teresita Ssen 'Winwyn' Marquez.

Matagal nang napapabalita umano na may relasyon ang dalawang mga royalty stars dahil nagmula sila sa mga angkan ng mga kilala at sikat na showbiz stars.

Gayunpaman, hindi pa rin umano kinumpirma ng dalawa at hanggang ngayon raw ay nananatili sa 'dating' stage pa umano ang kanilang relationship status, pagtatapos pa ng balita.

Si Rayver Cruz ay dating Kapamilya pero pagkatapos ng ilang taon ay bumalik rin siya sa Kapuso.

Kamag-anak niya umano sina Sheryl Cruz, Sunshine Cruz, Geneva Cruz, Donna Cruz, at Tirso Cruz III.

Si Janine Gutierrez naman ay anak ng sikat na showbiz couple na nagmula sa That's Entertainment na sina Lotlot de Leon at Monching Gutierrez.

POPULAR: Read more news about Rayver Cruz here and Janine Gutierrez here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

On another note, as we are still celebrating the holiday season together with our family and loved ones, our team has explored the streets, once again, to ask our fellow Pinoys on some fun, Christmas tricky questions.

Clearly, they had hilarious laughs on their faces, making this joyful season happier and more meaningful.

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Kris Aquino's lawyers respond to Gretchen Barretto's allegations

Giyera na 'to! Kris Aquino releases official statement of lawyers after Gretchen Barretto's IG stunt

Giyera na 'to! Kris Aquino releases official statement of lawyers after Gretchen Barretto's IG stunt
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel