5-anyos na batang babaeng tinangay ng 1 babae, naibalik na sa ina nito

5-anyos na batang babaeng tinangay ng 1 babae, naibalik na sa ina nito

-Agad na niyakap at hinalikan ng inang si Herminia Tendaoco ang anak na si Ayesa nang maibalik itong muli sa kanya

-Si Ayesa ang batang tinangay ng isang babae na nahuli sa CCTV

-Ang kaibigan ng suspek na siyang tinuluyan umano nito ang kimontak sa mga awtoridad para maibalik sa ina ang bata; depensa ng suspek, ang kaibigan ang siyang mastermind

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Naibalik na sa kanyang ina ang batang si Ayesa, ang 5-anyos na batang tinangay ng isang babae na nahuli sa CCTV na una nang naibalita ng KAMI.

Kinilala ang suspek na si Amelia Bonete, mula sa Caloocan City.

Ayonsa ina ng bata na si Herminia Tendaoco, sabi daw ng anak sa kanya pinangakuan daw siya ni Bonete na ibibili siya ng pagkain nito.

Ang kaibigan ni Bonete na kinilalang si Grace ang siyang naging daan para maibalik ang biktima. Ito ang kumontak sa mga awtoridad upang mahuli ang suspek.

Martes daw nang dumating si Bonete sa kanila kasama ang bata at sinabing anak daw ito ng dati nitong ka-trabaho na nais raw ipa-ampon.

Hanggang sa napanood daw ng asawa nito sa balita ang tungkol dito. Kaya naman agad daw nilang tinawagan ang kapitbahay na pulis, ayon kay Grace sa panayam nito sa News5.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ngunit depensa ng suspek na si Bonete, si Grace ang mastermind sa pangingidnap sa bata at tinakot lamang siya nito.

May kaibigan umano itong pulis at bantay-sarado pa ito kaya hindi niya maisaoli ang biktima sa nanay nito kahit pa nakukusensya na siya.

Samantala, masayang-masaya naman si Herminia na naibalik na sa kanya ang anak.

Handa naman siyang magsampa ng kaso laban sa suspek upang wala na itong mabiuktima pang iba.

Haharap si Bonete sa kasong abduction at masasampahan rin ng kaso ang kaibigan nitong si Grace dahil ilang araw nitong kinupkop ang suspek at biktima.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Guess what, it's our special edition of the tricky questions challenge, in which you will find lots of Christmas songs and joyous laughter! Merry Christmas everyone from the whole HumanMeter team – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Matured talaga! Iwa Moto, sobrang cool sa pagiging close nina Jodi Sta. Maria at Pampi Lacson

Matured talaga! Iwa Moto, sobrang cool sa pagiging close nina Jodi Sta. Maria at Pampi Lacson

Matured talaga! Iwa Moto, sobrang cool sa pagiging close nina Jodi Sta. Maria at Pampi Lacson
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel