2 empleyado ng Huawei, pinarusahan dahil nag-tweet gamit ang iPhone

2 empleyado ng Huawei, pinarusahan dahil nag-tweet gamit ang iPhone

- Kumalat sa social media ang post ng Huawei gamit ang iPhone na gawa ng karibal nila

- Kaya naman, pinarusahan ng Huawei ang mga empleyadong sangkot sa insidente

- Ibinaba nila ang ranggo ng mga ito at kinaltasan ang sahod

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Tila hindi lahat ng empleyado ng sikat na cellphone brand ng China na Huawei Technologies ay naging masaya ang pagsalubong sa Bagong Taon. Nalaman ng KAMI na dalawang empleyado ng Huawei ang pinarusahan dahil sa pag-post sa Twitter gamit ang iPhone ng Apple, isa sa mga malaking karibal ng Huawei.

Ayon sa ulat ng ABS-CBN News, noong nag-tweet ang Huawei upang bumati ng “Happy #2019” sa mga tao ay nakita ang “via Twitter for iPhone” sa post na ito.

Agad namang napansin ng netizens ang mga ito at kumalat na sa social media ang screenshot kahit agad binura ang tweet na ito.

Bilang parusa, ibinaba raw o dinemote ng Huawei ng isang ranggo ang mga empleyado at binawasan ng 5,000 yuan (P38,240) ang kanilang buwanang sahod. Ang pay rank din ng kanilang digital marketing director ay magiging frozen sa loob ng 12 na buwan.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ayon sa balita ng international media na CNBC, nakita raw ng Reuters ang isang internal memo na ibinigay ng Huawei na malaki raw ang naging damage ng insidente sa kanilang brand.

Nakalagay din daw sa memo na kaya iPhone ang ginamit ng kanilang mga empleyado dahil nagkaroon sila ng “VPN problems” sa kanilang desktop computer. Kaya naman, gumamit daw sila ng iPhone na may roaming SIM card para lang sumakto sa madaling araw ang kanilang pagbati sa social media.

Kilala kasi ang China dahil sa kanilang mahigpit na censorship sa Internet. Naka-block din sa China ang mga tampok na social media sites tulad ng Twitter at Facebook, kaya naman kailangan pa nila ng Virtual Private Network (VPN) upang makagamit nito.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Guess what, it's our special edition of the tricky questions challenge, in which you will find lots of Christmas songs and joyous laughter! Merry Christmas everyone from the whole HumanMeter team – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Matured talaga! Iwa Moto, sobrang cool sa pagiging close nina Jodi Sta. Maria at Pampi Lacson

Matured talaga! Iwa Moto, sobrang cool sa pagiging close ni Jodi Sta. Maria at Pampi Lacson

Matured talaga! Iwa Moto, sobrang cool sa pagiging close nina Jodi Sta. Maria at Pampi Lacson
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel