Mga Pinoy na turista sa China, naloko ng halos P1 milyon dahil sa pekeng alahas

Mga Pinoy na turista sa China, naloko ng halos P1 milyon dahil sa pekeng alahas

- Ilang Pinoy na turista sa China ang nabiktima ng pekeng alahas

- Umabot umano ng P1 milyon ang halagang nawala sa kanila

- Subalit, hindi raw magsasampa ng kaso ang mga ito laban sa travel agency o tour guide

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Tila hindi inaasahan ng mga Pinoy na bakasyon lamang ang nais sa Beijing, China ay mauuwi pa sa pangloloko ang naging trip nila doon. Nalaman ng KAMI na hindi bababa sa P1 milyon ang nagastos ng mga Pinoy para sa pekeng alahas.

Base sa ulat ng GMA News, kasama raw sa tour ang pagpunta sa tindahan ng mga murang alahas sa China. Tumataginting na P33,000 kada-tao ang nagastos ng mga turista. Hindi nila napansin noong una na peke ito dahil may kasama pa raw “certificate of precious stone identification” ang mga ito.

Subalit, noong pina-check na nila sa Pilipinas kung totoo nga ang mga ito ay napag-alamanan nilang pwet lang daw ito ng baso at maging ang certificate ay peke rin.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Diin naman ng isa sa mga biktima ay magaling daw umarte ang mga naroon kaya hindi nila napansin na may mali rito.

"Orchestrated lahat ng drama nila, ang galing-galing umarte! Parang nasa isang palabas ka. Even 'yung facial expression, mga mata, acting na nabigla, bakit ganoon kababa ang presyo na binigay ng boss nila. Palakpakan! Ang galing, promise!” giit ng biktima.

Kahit na sila ay naloko, hindi naman daw magsasampa ng kaso ang mga ito sa travel agency o sa tour guide. Giit nila, nagbigay naman daw ng paalala ang mga ito ukol sa mga pekeng alahas pero sana ay magsilbing aral ito sa mga tao at maging mas detalyado ang paalala para mas maintindihan ng lahat.

"May penalty 'pag 'di ka papasok [sa tindahan na kasama sa tour package] so, dapat pumunta ka, pero 'wag ka bibili. Be cautious sa bibilhin ninyo, hindi lahat doon totoo,” ani ng isang biktima.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Guess what, it's our special edition of the tricky questions challenge, in which you will find lots of Christmas songs and joyous laughter! Merry Christmas everyone from the whole HumanMeter team – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
11 taong gulang na bata, ginagamit di umano ng ina sa pagbebenta ng droga

11 taong gulang na bata, ginagamit di umano ng ina sa pagbebenta ng droga

11 taong gulang na bata, ginagamit di umano ng ina sa pagbebenta ng droga
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel